Chapitre 10
Unti-unting Naglaho
"You don't know your address, too?" Aniya, nababakas doon ang pinipigilang pagngisi.
Kapapasok lang namin ng kotse niya. Oo, nalaman kong sa kanya ito. Nakita ko kasi sa likod ng sasakyan ang mga letrang MJH. Noong una nagtaka ako. Pero kalaunan ay napagtanto kong siguro ay acronym iyon ng pangalan niya.
And actually, gulat na gulat pa rin ako, kahit ngayon! Lihim pang nahulog ang panga ko nang makita ang sasakyan niya kanina.
"Sa'yo 'to?!" Napalakas ang pagkakasabi ko nang makarating kami sa banda kung saan nakapark ang kotse niya.
Mercedes Benz.
For a Grade 8 like him, posible ba talagang pagmamay-ari niya ito?
Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip. Gaano ba sila kayaman?
Narinig ko ang mahina niyang tawa na umagaw sa atensyon ko. Napatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko nang makitang may pinipigilan siyang tawa sa bibig.
"Iniinsulto mo ba ko?" Bahagyang tumaas ang isang kilay ko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at itinigil ang ginagawa.
Umiling siya. "No, I'm not insulting you. What I mean is, alam mo ba ang address niyo."
"Eh ba't mo ko tinatawanan?"
"Hindi kita tinatawanan." Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya. "I'm just asking, alam mo ba ang address niyo?"
"Siyempre, alam ko naman 'yun!"
Tumango siya at sumilay na naman ang pinipigilang tawa. "Okay, then. Where?"
Pinigilan ko ang inis na nadarama nang bigla kong maalala na nakasakay pala ako sa pagmamay-ari niyang sasakyan. Ibinagay ko sa driver ang address namin. Tumango-tango naman si Manong Bert at sinabi niyang pamilyar daw siya sa daan papunta sa amin.
"Bakit ka nga pala nila naiwan?" Tanong niya habang nagsisimula nang umusad ang sasakyan.
Napatingin ako sa kanya at nahihiyang natawa. "Nag-CR kasi ako bago kami umalis. Sinabi ko sa kanilang hintayin nila ako. Mukhang hindi nila ko narinig kaya 'yun, naiwan nila ako."
Napatango-tango si Max. Pagkatapos ng sagot ko ay binalot na ng katahimikan ang loob ng sasakyan.
Sobrang awkward pero okay na rin 'yun. Ayoko na rin namang magsalita. Kaso mukhang hindi hahayaan ng gabing ito na maging tahimik sa loob ng sasakyang kinalalagyan namin.
Dahil ilang sandali lang, biglang kumulo ang tiyan ko!
Antimanong nanlaki ang mga mata ko at bumaba ang tingin sa tiyan. Hinawakan ko agad iyon at piniga, na parang kung gagawin ko iyon, mapipigilan ang pagkulo ng no'n.
Punyemas!
Pero hindi! Kumulo ulit 'yon at ngayon, mas malakas pa sa nauna!
Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Ramdam ko na nakatingin na sa akin si Max ngayon.
Punyemas na kahihiyan!!!
Umubo-ubo ako kunwari para pagtakpan ang kulo ng tiyan ko. Siguradong mukha na akong tanga dahil halatang peke ang pag-ubo ko!
"Gutom ka na?" Tanong niya. Napatigil agad ako sa pag-ubo-ubuhan dahil mukhang alam na niya.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...