Chapitre 18

42 4 1
                                    

Chapitre 18

Mr. & Ms. Intramurals

Buwan ng Oktubre. Sa loob ng classroom namin, nag-uusap-usap kaming magkakaklase kung sino ang magiging pambato namin sa Mr. and Ms. Intramurals.



Ako ang pinupush nilang isali pero inunahan ko na sila. "Sa Grade 10 pa ang plano namin ni Mommy, hindi pa ngayon. 'Wag muna ako." Tugon ko sa pamimilit nila.



Actually, dalawa talaga kaming pinagpipilian. Si Leah ang isa. At dahil hindi nga ngayong Grade 8 ang gusto ni Mommy, maging ako, si Leah na ang napigang maging representative ng section namin para sa Mr. and Ms. Intramurals.



Maganda si Leah. Mas mahaba ang straight niyang buhok kaysa sa akin (hanggang sa gitnang likod lang kasi ang haba ng buhok ko). Bilog at nangungusap ang mga mata niya. Alam mo 'yung kahit blangko ang kanyang ekspresyon, ang mga mata niya ay parang nakangiti.



Mas matangkad ako sa kanya ng kaunti pero mas balingkinitan siya kaysa sa akin. Pouty ang labi niya at natural na mapula ang mga iyon. Maliit lang din ang mukha niya at bagay na bagay kay Leah ang first name niya. Princess.



Basta, kung makikita mo siya, hindi mo mapipigilang mapasecond look! Ang ganda niya kasi talaga, sobrang bait pa at matalino. Nga pala, medyo maputi si Leah. At sa pagkakaalam ko, suki siya ng beauty pageants. Suportado rin kasi ng Nanay niya kaya raw ganoon. Nabalitaan ko pa nga na noong nakaraang taon lang, sumali siya ng Mr. and Ms. Nutrition, nakuha niya ang second runner up.



Beuty and brains and attitude. Lahat na. Sana all.



Kilala ko na siya noong elementary pa lang kami. Naging kaklase ko siya no'ng Grade 2 at pagkatapos no'n, lumipat na siya ng ibang school na isang sakay lang ng jeep ang layo sa PRES.



"Namiss ko rito," nakangiting sabi ko pagkalapag ng waiter sa kapeng inorder ko.



Nagtaka ako dahil kay Jana siya nakatitig nang ilapag niya ang mug sa lamesa. Tinignan ko si Jana at napakunot na ang noo ko dahil nakita kong parang umiiwas siya ng tingin sa lalaking serbidor.



Nasa Kopi Corner kami ngayon dito sa Plaza Cecilia. Nagyaya ng date si Jana kahapon bago mag-uwian, namiss niya raw kasi ako.



"Hmm..." Tanging nasabi ni Jana habang umiinom sa babasaging mug.

Kaming dalawa lang ang nandito, wala ang walo. Madalas kami rito ni Jana no'ng Grade 6, lagi niya akong inaaya tuwing Sabado.



"Kamusta pala kayo ni Max?" Tanong niya bigla.

Halos mabulunan ako sa kinakain kong donut. Inilapag ko agad iyon sa platito at napainom ako ng tubig.

"Ayos ka lang?" Nakangising niyang tanong.



Natatawa akong tumango, "Nakakagulat naman kasi 'yung tanong mo!" Sabi ko habang pinupunasan ang bibig ko gamit ang tissue na nasa table.



"Hm? Nakakagulat? Bakit, may nangyari bang kung ano sa inyo?" Usisa niya bago kumain ng isang kutsara sa slice ng chocolate cake na nasa harap niya.



Kumunot ang noo ko. "Anong nangyaring kung ano?" Tanong ko, medyo kinakabahan ng kaunti.

Magaling kasing observer itong si Jana. 'Yung parang kahit hindi mo pa sabihin, alam na niya.



Uminom muna siya sa kanyang kape bago nagsalita.

"I know you like him, Ram." Simpleng aniya na tila matagal niya na iyong alam.




A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon