Chapitre 37
Film
"Can I court you again?" He asked.
Nanigas ako sa aking kinauupuan.
"Pwede ba kitang ligawan ulit, Ram?" Ulit niya, seryoso na ngayong nakatingin sa mga mata ko.
"This time, it's going to be real. Walang halong pagloloko, liligawan kita. I'm asking for my last chance, Ram. For our last chance." Lumunok siya.
Ang pintig ng puso ko ay dahan-dahang bumilis at mas lalong lumakas. Na halos wala na akong marinig kundi iyon lamang.
Wala sa sarili akong napatayo. Nakita ko ang pagkataranta sa kanya. Handa na sana akong tumalikod at maglakad paalis nang muli siyang magsalita.
He forced a smirk. Ramdam ko ang tabang doon. "Is it a no?"
Lihim akong humugot ng malalim na hininga at saka siya sinulyapan. "No," sabi ko at umalis na.
Pagkalabas ng library ay nakatanggap agad ako ng text mula kay Max.
Max:
No? What no? Hindi ka pumapayag o hindi 'yung sagot mo sa tanong ko?
Mainit ang pisngi ko nang magtipa ng sagot.
Ako:
'Yung pangalawa.
Max:
That means... Yes?
Napapikit ako at napakagat sa ibabang labi.
Max:
Is it a yes?
Max:
Oo?
Humugot ako ng malalim na hininga at nagtipa.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...