Chapitre 35

25 3 0
                                    

Chapitre 35

Joaquin

Disyembre. Nasa library kami ngayon ni Joaquin at tinutulungan niya ako sa paggawa ng assignment. Pagkatapos nito ay as usual, didiretso kami ng Mall. Isang linggo na lang at Christmas Break na. Ewan ko ba sa mga professor, ang dami pa rin nilang pinapagawa. Buti na lang nandito sa Joaquin, nababawasan ang stress ko dahil hindi siya nagsasawang turuan, ipaliwanag at tulungan ako sa mga ito.

Nang matapos sa tatlong assignment, iniligpit ko na agad ang mga gamit ko at isa-isa iyong inilagay sa bag.

"Let's go?" Si Joaquin.

Sinarado ko ang zipper ng bag at tumango na. Sabay kaming tumayo at lumakad na paalis. Tumungo muna kami malapit sa desk ng librarian para maglog out. Pagkatapos kong isulat ang time out ko, sumunod na si Joaquin.

Hawak ko ang strap ng bag nang mapatingin ako sa pinto nitong library. Natigilan ako nang saktong pagpasok iyon ni Max. May bitbit siyang mga libro at napansin kong suot na niya ang kanyang salamin.

Maging siya ay natigilan. Tipid siyang ngumiti sa akin. Itinikom ko ang aking bibig. Nang dumako ang mata niya kay Joaquin, bahagyang kumunot ang aking noo nang biglang dumilim ang kanyang tingin.

Muli niya akong binalingan. Nakita ko ang paninigas ng kanyang panga. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Anong problema nito?

"Tara na," ani Joaquin nang matapos na sa pagsulat.

Naputol lamang ang pagtitinginan namin ni Max nang tumingin ako kay Joaquin. Nang muli ko siyang balingan, naglalakad na siya papunta sa kung nasaan kami.

Noong una ay nagtaka ako, lalo pa't hindi nawawala ang dilim sa kanyang mata at tigas ng kanyang panga. Umiwas na lang ako at niyaya na si Joaquin na lumabas.

Hindi ko siya tinangkang balingan kahit na muntik ng magbangga ang aming mga balikat nang magkasalubong. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero diretso ang lakad ko.

Tumungo kami ni Joaquin ng SM Valenzuela. Katulad ng laging nangyayari, kakain muna kami, manonood ng sine at kung may oras pa, tatambay kuna kami sa isang coffee shop habang sumisimsim ng kape at nag-uusap sa mga random na mga bagay.

Habang magkaharap kami sa lamesa, naisip ko na kaya siguro wala akong maramdaman kay Joaquin dahil nananatili ang nararamdaman ko sa kanya.

Kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili kong I already moved on from him, alam kong hindi pa rin. Alam kong ganun pa rin. Gusto ko mang iwan at kalimutan ang nararamdaman kong ito, hindi iyon ganun kadali.

Dahil mula noon, hanggang ngayon, alam ng puso't isipan ko na siya pa rin.

Si M-Max pa rin...

Kahit nasaktan ako noon, sinaktan niya ako ngayon, I know, deeply inside my heart, siya ang... nandito.

I sighed. Siguro hindi man ngayon, makakalimutan ko rin ito. And when that day comes... sana ay wala akong pagsisisihan.

"Pass the papers to Montehermoso," binalingan ni Sir Baluyut ang katabi ko. "Pakihatid na lang sa office ko," he smiled.

Max nodded.

"Goodbye," ani Sir at lumabas na.

Habang nagliligpit ng gamit, biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad iyon sa bulsa at binuhay. Nakita ko ang text ni Jana.

Jana:

Free ka sa bukas?

Nagtipa agad ako ng irereply.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon