Chapitre 38

49 3 0
                                    

Chapitre 38

Plano

Hindi naging madali ang panliligaw ni Max. Bukod sa akin, kinailangan niya ring ligawan ang pamilya ko.

Lalo na si Kuya Jericho.

"What are you doing here?" Kuya Jericho asked in an unwelcoming voice. 

Narito kami sa bahay. Pinilit kasi ako ni Max na pumunta rito dahil sa gusto niyang personal na ipaalam sa pamilya ko na nililigawan niya na ako.

Sinamaan ko ng tingin si Kuya. Hindi niya iyon pinansin at pinagpatuloy ang ganoon pakikitungo kay Max.

"I'm here to inform you Sir that I, Max Jorinn Montehermoso, is courting your sister, Sir," magalang iyong sinabi ni Max.

Tumaas ang isang kilay ni Kuya. "Why?"

Tumingin si Max sa akin. 

He smiled. "Because I love her," at muling tumingin kay Kuya na hindi naitago ang gulat sa mukha. 

Nagkibit siya ng balikat. 

"How can you prove that?" Nanghahamon ang boses ni Kuya.

"I will marry her." Max said in a steady tone.

Natigilan ako roon. Maging si Kuya ay natigilan din at napatitig kay Max.

"What did you say?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya.

"Pakakasalan ko siya, Sir. But ofcourse, hindi pa sa ngayon," he looked at me. "So I'm politely asking you to give me a chance to prove that."

"How can you prove to me that you're going to marry my sister? May ipapakain ka ba sa kanya? Hindi ka pa nga tapos mag-aral!"

"That's why I'm studying real hard, Sir. So that after I graduate, I can easily apply to a big company and earn a lot of money not just for myself, but for Ramina."

Nalaglag ang panga ko roon. Si Kuya naman ay kumunot na ang noo kay Max.

Ano bang mga sinasabi niya? Hindi pa nga kami! 

"Sorry, I'm too advance," hilaw siyang ngumisi. "I'm just very excited for our future," lihim siyang kumindat sa akin. 

Pinandilatan ko siya ng mata. He just laughed.

"Your words are flowery. Hindi kapani-paniwala---"

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon