Chapitre 29

26 5 0
                                    

Chapitre 29
 


Moby

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. 

"T-Tara na," yaya ko sa dalawa dahil bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.

Bakit siya nandito!?

Humugot ako ng malalim na hininga at dahan-dahang iyong ibinuga. Kinalma ko ang aking sarili.

"Baka naman hindi dito nag-aaral. Baka naman gumala lang?" Ani Daniel, naglalakad na kami sa hallway.

Marami na kaming estudyanteng nakakasabay. Mahigpit ang hawak ko sa bag ko.

"Gumala? He's wearing a uniform katulad ng sa'yo!"

Hindi ko alam pero parang mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi ni Candle.

"Ilan pa kulang?"

"Uh," binilang ko ang mga pangalan sa listahan. "Dalawa pa."

Narito na kami sa cafeteria ng bago naming school, kakatapos lang ng first class. Nakakapanibago nga dahil ang laki nito masyado. Although doon naman sa dati naming school, malaki rin ang canteen. Pero dito, parang doble ang laki.

Well, siyempre, college na.

"Eh sa eighteen candles at gifts, kompleto na?" Si Daniel.

Tumango ako. "Eighteen roses na lang ang kulang."

Malapit na ang eighteenth birthday ko. Noong nakaraang araw pa sa akin sinabi ni Mommy na ilista ko raw ang lahat ng gusto ko sa eighteen candles, roses, gifts at shots. Wala na akong problema sa tatlo, roses na lang ang kulang. Wala na akong maisip kung sino pang lalaking kilala ko ang pwedeng ilagay.

"Ram!" Napalingon agad ako sa tumawag.

Napangiti ako nang makita si Joaquin. Siya ang escort ko.

"Ang layo ng campus ko dito!" Aniya at hinihingal na naupo sa tabi ko.

"Kumain ka na?" Tanong niya, hirap sa paghinga ng maayos.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon