Chapitre 30

27 5 0
                                    

Chapitre 30

Past, Present, Soon


Max: 

We will talk tomorrow. You're lying. We'll fix this, alright? We're okay, Ramina. We are okay.

Pagkatapos kong mabasa ang text niyang iyon, pinatay ko na agad ang cellphone ko. Alas-dies na ng gabi. Nasa kuwarto na ako at handa ng itulog ang lahat nang matanggap ko ang text na iyon.

Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagtulo ng aking mga luha. Dahil na rin siguro sa sakit na nararamdaman ko at kagustuhang ipahinga ang sarili, nakatulog ako ng mabilis.

Kinabukasan ay kay Mommy na ulit ako sumabay. May pasok na si Kuya. Nang makita niyang namumugto na naman ang mga mata ko, hindi naman siya kumibo. Tinignan niya lang ako pagkatapos ay nilagpasan.

Bumuntung hininga na lang ako.

"Nandito siya kanina, Ram," si Janus pagkarating ko ng room. "Hinahanap ka."

Nasa akin ang mga mata nilang walo. Nilingon ko si Janus at tumango lang sa kanyang sinabi.

"Should you two, talk?" Ani Java. "Hindi ba aalis siya pagkatapos ng recog?"

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung paano niya nalaman, siguro sinabi ni Max sa kanya.

Nagulat silang pito na mukhang walang nalalaman tungkol doon.

"Really?" Nanlaki ang mga mata ni Hannah.

Kumunot ang noo ni Java. "'Di niyo pala alam?"

Umiling silang lahat. 

"Pero babalik din naman daw," dagdag ni Java at tumingin muli silang lahat sa akin.

Naramdaman ko ang kamay ni Jana sa kamay ko. Bahagya niya iyong piniga at ngumiti sa akin. Napangiti rin ako.

Recess. Nadatnan ko si Max na nasa labas ng pintuan. Nagtama ang mga mata namin.

"Let's talk," seryoso niyang sinabi nang makalabas na kami.

Tumingin muna ako sa mga kaibigan ko. Tumango sila at hinayaan akong sumama kay Max.

Dinala niya ako sa rooftop na pinuntahan namin no'ng isang araw. Tahimik akong naglalakad paakyat sa gilid niya. Hindi niya hawak ang kamay ko pero nararamdaman ko ang titig niya sa akin. 

Isang malakas at maaliwas na hangin ang dumapo sa mukha ko nang makarating na kami. Napapikit ako at hinayaan ang sarili na damhin ang ginhawang hatid niyon. 

Pagdilat ay seryosong mukha ni Max ang bumungad sa akin. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Tumama ang mukha ko sa kanyang dibdib at isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin.

"You know I'm leaving, right?" He whispered. Hindi ako nagsalita.

"Stop this... please? It doesn't feel good..." Aniya at mas hinagkan pa ako.

Ilang minuto rin kami nasa ganoong posisyon bago ako humugot ng malalim na hininga.

"'Yan lang ba ang sasabihin mo? Nagugutom na ko," binalewala ko ang sinabi ni Max.

Bahagyang lumuwag ang yakap niya sa akin.

"Then let's buy something," tinignan niya ang mukha ko.

"Ako na lang, kaya ko namang mag-isa."

At that moment, hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Ang gusto ko na lang ay matapos na ang lahat ng nangyayari.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon