Chapitre 32

32 5 0
                                    

Chapitre 32

Sofa

Sinabi niya sa'kin na sina Theo at ang iba pa ang tanging inimbita niya. Gusto niya rin sanang imbitahan ang mga kaibigan ko kaso medyo malayo sila at baka may pasok din sa araw na iyon. 

Si Candle lang at si Java (na umoo kaagad) ang tanging naimbitihan niya sa walo. Si Daniel din sana kaso panggabi raw kasi siya sa trabaho sa sabadong iyon kaya hindi rin siya makadadalo. 

Pinaalam ko na agad iyon kay Mommy at Daddy pati kina Kuya pagkauwi ko. Sinabi ko na lang na mags-sleep over ako sa condo ni Candle, which is totoo naman dahil pagkatapos ng party ay doon na talaga ako didiretso at matutulog sa condo niya.

Hindi ko na binanggit ang birthday dahil baka humaba pa ang hingiin nilang eksplenasyon. Pumayag naman sila sa paalam ko. 

Naisip ko bigla si Joaquin. Inimbita niya rin kaya? 

"No," simpleng tugon ni Joaquin habang nagmamaneho pauwi sa amin.

Hindi na ako nagsalita. Mukhang hindi pa rin sila magkasundo.

Ang... tagal na no'n, ah?

Napangiwi ako. Baka siguro may iba silang away kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakabati.

Maayos naman ang pakikitungo ng iba nilang kaibigan kay Joaquin. No'ng debut ko, nakikita ko silang nag-uusap nina Theo, Dale, Adam at Kenneth at nagbibiruan pa nga tungkol sa ilang bagay. 

Napagtanto ko habang nakatingin sa labas na sadya talaga sigurong may iba silang pinag-awayang dalawa bukod sa naiisip ko.

"Online? Eh ilang araw pa bago 'yun dumating. Two days na lang, saturday na," ani Candle bago kumagat sa burger na binili niya rito sa cafeteria.

"Gano'n?" Napanguso ako.

Kahapon ko pa iniisip kung anong ireregalo ko kay Max. Noong debut ko, Chanel shoes ang regalo niya sa akin. Naisip ko na kailangan ko iyong tapatan, hindi dahil sa pakikipagkompitensya kundi siyempre, nakakahiya naman kung wala akong ibibigay. 

Damit ang plano kong iregalo. Wala na kasi akong maisip na maganda at hindi awkward kaya iyon na lang.

"Why don't you go to the mall?" Daniel suggested. "Mas madali pa iyon dahil sigurado ka sa size at quality."

Iyon nga ang ginawa ko. Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako ng mall para bumili ng damit. Hindi ko kasama si Joaquin ngayon dahil may group project daw silang gagawin sa library pagkatapos ng huli nilang klase.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon