Hi! Pasensya na sa mga spacing ah? Huhu. Ilang beses ko ng inayos pero gumagano'n talaga...
Chapitre 25
Practice
"I broke up with May, you should too." Aniya.
"H-Huh?"
Hindi pa rin ako makahinga ng mabuti kahit nakaupo na kami ngayon.
He just confessed.
Umamin siyang gusto niya ako.
Punyemas.
"Break up with your boyfriend, Ram." Tumingin siya sa mga mata ko. "Maghiwalay kayo ni Russel." he said in a deep tone.
Natigilan ako sa narinig. Sobra akong nailang. Anong hiwalayan?! Para naman akong may asawa sa sinabi niya?
"Hindi ko naman boyfriend si Russel," sabi ko.
Kita ko ang pagtitig niya sa aking mukha.
"What?" Kumunot ang noo ni Max.
Napangiwi ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Bakit? Ano bang akala niya? Na may boyfriend ako? Na kami ni Russel?! Napangiwi ulit ako sa huling naisip.
"Ram! Grabe, ang haba ng pila, ngayon lang ako naka---" kumunot ang noo ni Ate Atria nang mapansin ang lalaking nasa harap ko. "Oh, Max!" Ngumisi siya sa akin.
Tipid lang na ngumiti si Max kay Ate Atria at muling tumitig sa akin. Hindi ko siya magawang tignan dahil ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Pa'no ba makarecover?!
Bigla kong naalala iyong isa niya pang sinabi. Na ginamit niya lang si May para malaman niya ang gusto ng isang babae. Ang gusto ko.
Hindi ako makahinga. Hindi ko rin alam kung maiinis, magagalit o kikiligin ako roon.
Punyemas.
Nakaramdam ako ng awa kay May. Alam niya kaya ang ginawa ni Max?
"Ram! Atria! MJ!" Sabay-sabay kaming tatlong napatingin sa tawag ni Ate Sheila.
"Awarding na!"
"Putek, kinakabahan na naman ako!" Si Java na halata sa mukha ang nararamdaman.
"Natatae ka?" Mabilis na tanong ni Russel.
Sumama ang tingin ni Java sa kanya. "Judgmental mo! Hindi 'no!" Natawa kaming lahat.
Nandito na ulit kami sa hall. Nakaupo kami sa sahig at hinihintay na ang pag-aanounce ng mga nanalo.
Ingay ng mga kwentuhan at tawanan ng mga estudyante ang bumabalot sa buong bulwagan. Mabuti at malakas ang aircon nitong hall, hindi mainit.
"You're lying, right?" Bulong ni Max sa tabi ko. "Paanong..."
Kunot-noo ko siyang binalingan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naniniwala sa sinabi ko kanina.
Napaiwas siya ng tingin sa akin at napabuntung hininga. "Alright. You're not lying," aniya. "Pero bakit ang sweet ng pakikitungo niya sa'yo?"
Natigilan ako sa narinig. Naiilang ko siyang pinagmasdan. "H-Huh? Anong sweet?"
"Lagi niyang kinukuha ang tumbler mo para lagyan ng tubig, ang bait niya sa'yo and he always smile when you two talk," matabang niyang sinabi.
Natigilan ako ng ilang sandali. Napailing ako at natawa.
"Gano'n siya sa lahat," sabi ko at nginuso si Russel sa gilid niya. Tumingin siya roon.
Katabi ni Russel si Ate Sheila at nakangiti ito sa babae habang nakikipag-usap. Walang malisya roon, sigurado ako. Ganoon lang kasi talaga si Russel. Sweet siya sa lahat ng malapit sa kanya at lagi pang nangyayakap, mapababae o lalaki.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...