Chapitre 28

24 5 0
                                    

Chapitre 28

Ugly Twist


"K-Kuya..."

Para akong binuhasan ng isang balde ng yelo. Hindi ako makagalaw. Parang may kung anong dumadagan sa dibdib ko.

Nasisiguro kong hindi si Kuya ang mismong nagvideo no'n, may pasok siya no'ng araw ng Field trip namin. Kaya iniisip ko kung sino ang kumuha no'n at ibinigay kay Kuya?

"What is that, Ramina?" Mahinahanong tanong ni Kuya Jericho.

Halata roon na nagpipigil siya dahil natutunghayan ko ang paninigas ng kanyang panga at pagkuyom ng kanyang kamao.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Race. Antimano siyang natigilan nang makita kami ni Kuya. Napakunot ang noo niya dahil sa mga nagbabadya kong mga luha.

"What's happening?" Ibinaba niya ang bag sa kama.

Napatalon ako nang biglang hablutin ni Kuya Jericho sa kamay ko ang cellphone niya at hinagis iyon kay Kuya Race na maagap niyang nasalo.

Pinagkunutan niya muna kami ng noo bago bumaba ang tingin sa cellphone.

Kasabay ng aking paglunok ay ang pagsisumulang tumulo ng aking mga luha. Mabilis ko iyong pinunasan.

"Oh..." Tumaas ang dalawang kilay ni Kuya Race habang pinapanood ang video.

Bago pa magtama ang mga mata namin ay yumuko na agad ako.

"Kayo na ba, Ram?" Si Kuya Jericho.

Umiling agad ako. "H-Hindi..."

"Then what the hell is that?!" Napatalon ako sa bigla niyang pagsigaw.

Naramdaman ko ang paglapit ni Kuya Race sa akin.

"Answer me! Ano 'yon?"

Hindi ako nakasagot. Napaiyak na lang ako.

"Kahit kayo pa o hindi, bakit may gano'n!? Ilang taon ka na ba, ha? You're just thirteen years old!"

"Kuya..." Si Kuya Race.

"Iyon ba, huh? Iyon ba ang mga natutunan mo sa mga kaibigan mo? Lumandi?"

"Kuya!"

Parang may kumurot sa puso ko nang marinig ko iyon mula kay Kuya Jericho.

"Pwede ba? It's just a kiss!" Mariing sinabi ni Kuya Race.

"Just a kiss? What?" binalingan niya ang katabi ko.

"Porke ba may nangyaring ganoon, malandi na? At please, 'wag mong idamay ang mga kaibigan niya, pwede? You're overreacting. Ano naman ngayon kung naghalikan sila?"

Napaawang ang bibig ni Kuya Jericho. "Do you hear what you're saying, Race? She's just thirteen! And she's our sister! Ano sa tingin mo ang sasabihin nina Mom at Dad kapag nakita nila ang video na 'yan?"

"Edi 'wag mong ipakita."

"What the fuck?"

"It's just a fucking kiss, Kuya!"

"Tangina, Race. Bata ang kapatid mo! Babae! Do you here me? She's not like us na pwedeng makipaghalikan nang basta-basta." pasigaw iyong sinabi ni Kuya Jericho.

Natahimik doon si Kuya Race.

"Can you think? Don't just talk." si Kuya.

Ang bigat sa kalooban na dahil sa akin, nagkakasagutan sila ng ganito. Sobrang nakakaguilty. They are very close to each other. Kaya ang masilayan sila na ganito at ako ang dahilan, ang bigat sa dibdib.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon