Chapitre 11
Project
"Grabe, ang sakit ng tiyan ko." Ani Daniel habang nakahawak ang kaliwang kamay sa tiyan at nahihirapang lumakad ng maayos.
"Kainin mo ba naman lahat ng tira namin, hindi sumakit 'yang tiyan mo." Tawa ni Hannah sa kanya.
Lahat kasi ng natira naming pagkain, silang dalawa ni Java ang umubos. Kaso sa kanilang dalawa, siya ang may pinakamaraming nakain.
Eh puro mabibigat pa naman sa tiyan ang mga binili namin.
Pabalik na kami ng room ngayon dahil ilang minuto na lang ay matatapos na ang recess. Habang naglalakad pabalik ay inililibot ko ang aking mga mata sa paligid.
May hinahanap ako ngunit hindi ko alam kung sino.
"Finding someone?" Antimano akong napabaling kay Java na katabi ko sa paglalakad. Nakangisi itong nakatingin sa akin. "Bakit hindi siya ang naghatid kanina?"
"Hindi ko alam." Tugon ko agad at umiwas ng tingin. Itinigil ko na rin ang paglibot ng mata sa paligid dahil baka kung anong isipin niya.
"Tinanong mo si Theo kung nasa'n siya?" Napabaling ako sa kanya dahil doon.
Paano niya nalaman na si Theo ang naghatid kanina?
Tinignan ko ang mga kasama namin, wala sa amin ang atensyon nila dahil may pinag-uusapan silang kung ano. Napaisip ako na baka nakita niya siguro.
Bumaling ako kay Java at sumagot. "Nasa Science Laboratory daw. Busy with his girlfriend." Nagulat ako nang biglang pumait ang tono ko. B-Bakit gano'n?
"Projects or research." Ani Java. Nagtaka ako sa sinabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
Tumingin sa akin si Java. "Baka isa roon ang rason kung bakit nasa SciLab sila at kaya hindi siya ang naghatid kanina." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Ngunit nang marealize ko iyon, doon ako naliwanagan na baka nga ganoon ang rason kung bakit magkasama sila at hindi siya ang naghatid kanina.
Matalino si Max. Nabalitaan ko noong nakaraang araw na nanalo sila sa Research contest na sinalihan nila last week. At siguro kaya hindi siya ang naghatid kanina dahil pinagtutuonan niya ng pansin ang mga iyon.
Kinabukasan ay nagulat ako nang siya na ang bumungad sa akin. Nakaplain white t-shirt lamang siya at school grey jogging pants. Nakakapanibago dahil lagi siyang nakauniform kapag nakikita ko.
"Heto," aniya at inabot sa akin ang paper bag. Tinanggap ko iyon habang nakatingin sa kanya.
"Hindi ako ang naghatid kahapon." Nahihiya siyang ngumiti. "Medyo busy kasi sa research kahapon, regionals na." Aniya.
Tumango ako. "N-Nasabi nga sa'kin ni Theo na busy kayong dalawa."
Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. "Ah, oo. Medyo busy nga kami ni Kenneth." Tango niya at bahagya pang tumawa.
Antimanong kumunot ang aking noo. Akala ko ba si Airah ang kasama niya?
"Bakit?" tanong niya agad nang mapansin ang lukot sa aking noo.
Lumunok ako ng mariin. "Ang sabi kasi sa akin ni Theo, si Airah ang kasama mo kahapon."
Natigilan siya sandali bago tumango siya at nagsalita. "Ah, oo. Nandoon din siya kahapon, tinulungan niya kami." Aniya at tumingin sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...