Chapitre 13
Huli
"Galit ba siya sa'kin, Theo?" Tanong ko bago pa siya tumalikod sa akin para umalis.
Siya ang naghatid ng pagkain sa akin ngayon at hindi si Max. Nag-aalala ako na baka nagalit siya sa hindi ko pagsipot sa kanya kanina sa library kaya ito ulit ang pinaghatid niya ng pagkain.
Tinignan ko na ang messenger ko. Wala naman siyang mensahe sa akin tungkol kanina. Siguradong naghintay siya roon at nang hindi ako dumating, umalis na lang siya.
Nakakahiya! Ako na nga itong tinutulungan niya, ako pa ang nangditch sa kanya. Ni hindi pa nga kami nagsisimula, ganito na agad? Ahhh! Bakit ba kasi sarap na sarap ang pagkakatulog ko?! Kung hindi siguro sinabi sa akin ni Ninang ang oras, baka nagmabagal pa ako sa pag-aakalang hindi pa naman alas-nuebe ng umaga.
Hindi ko rin siya chinat dahil gusto kong magsorry ng personal. Ang bastos ng ginawa ko. Pero sa kabilang banda, mayroon naman akong rason. Pero hindi rin naman 'yon sapat para gawin iyong excuse dahil at the end of it, hindi ko siya nasipot dahil sa kagagahan ko.
Natawa si Theo. "Ofcourse not," aniya at umiling-iling pa sa akin.
Nagulat kaagad ako. "Weh?"
Tumango si Theo. "Yes, Ram. Hindi siya galit. Tsaka bakit naman siya magagalit? May ginawa ka ba?" Kumunot ang noo niya sa akin at tinitigan ako. Doon ko narealize na mukhang hindi sa kanya nakwento ni Max na tinutulungan niya ako sa paggawa ng project.
Umiling na lang ako. "Wala naman."
Tumango lang siya at nagpaalam na siya sa akin dahil may pupuntahan pa raw siya sa ComLab. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago siya pinakawalan.
Kinagabihan ay nag-alarm ako ng alas-siete ng umaga at marami pa ilang minuto pagkatapos no'n. Kaya pala hindi rin ako nagising kahapon dahil nakalimutan kong mag-alarm dahil sa pagtulog ng maaga.
"Ang aga mo namang nagising ngayon?" Puna sa akin ni Ninang nang pumasok na ako ng kusina. Nasa harap siya ng kalan at nagluluto. Inilagay na niya ang dalawang hotdog at scrambled egg na mukhang ulam ko sa isang plato.
Nginitian ko lang siya. Nakaligo at nakapagbihis na ako. Medyo basa pa buhok ko dahil hindi ko na iyon masyadong binlower. 8:00am pa lang. Pinlano kong maagang pumasok ngayon para maunahan ko siya sa library. Hihingi ako tawad sa ginawa ko kahapon.
Pagkatapos kumain ay si Wendell ang naghatid sa akin sa school, isa sa mga trabahador namin sa tubigan. Sumakay ako sa motor na may sidecar na service ng tubigan. Nakaupo ako sa likod niya at nakahawak sa hawakang bakal na nasa bubong na nasa taas ng motor.
"Thank you, Wewe." Sabi ko sa kanya pagkababa.
Inayos ko ang medyo nagusot kong palda at uniporme. Tinanguan naman niya ako at iniikot na ang sasakyan paalis.
Naglalakad ako sa hallway nang madaanan ko ang covered court. Nahagip ng mata ko ang pamilyar na likod na nakaupo sa isa sa mga bleachers doon.
Tinignan ko siya ng mabuti at napagtanto ko agad na si Java iyon.
Nagulat ako nang bigla siyang magpunas ng parang basa niyang mata. Doon ko nalaman na mukhang umiiyak siya.
Bakit umiiyak si Java?
Akma ko na siyang lalapitan nang mapansing may katabi pala siyang babae. Hindi ko ito napansin kanina dahil nakaupo ang babae sa sunod na baitang kung saan nakaupo si Java. Hindi ko rin makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...