Chapitre 2

87 10 1
                                    

Chapitre 2

Corridor

"G-Good morning everyone." Nilabanan ko ang hiyang nararamdaman. Huminga ako ng malalim at ngumiti. "I'm Ramina D.R. Latoza, 12 years old. My birthday is on June 13, 2005 and I like dancing and sometimes, I join pageants. Thank you." Malapad akong ngumiti bilang pagtatapos. Nagpalakpakan sila at hilaw na ngiti ang nagawa ko. Naghihiyawan pa ang mga lalaki sa bandang likod na hindi ko kilala.


Pagkaupo ko sa aking upuan ay suminghap ako ng malalim na hangin at saka iyon ibinuga. Tumayo na ang katabi ko sa upuan dahil siya na ang sunod.


Sobra akong nalulungkot. Sa aming anim, ako lang ang nahiwalay.


Tinanong ko si Mommy kung anong nangyari. Medyo mataas kasi ang puwesto niya sa school kung kaya't kaya niyang ipilit iyon.


"Gusto mo bang maissue tayo, anak?" Sabi ni Mommy. "Kapag ipinilit natin 'yun at malaman ng lahat, maiissue ka at ako. Gusto mo bang marumihan ang pangalan natin?" Aniya.


Hindi rin daw kasi umabot ang grado ko.


Sa sunod na section nila Candle, Jana, Daniel, Janus at Java ako napunta. May mga kasama naman ako dito na kaklase ko no'ng nakaraan pero iba pa rin kung sila ang kasama ko. Ilang buwan din kaming hindi nagkita-kita tapos ganito? Nakakainis!


Wala kaming masyadong ginawa. Puro introduce yourself at paghahalal ng mga officers lang ang ginawa namin. Ako pa nga ang nahalal bilang Vice President! No'ng una ay tumanggi ako pero pinilit nila ako. Ako na lang daw. Muntik pa nga akong sa President nila ilagay. Buti na lang hindi!


Gasgas na kasi sa akin ang pagiging President. No'ng elementary kami, ako ang laging ginagawa nilang President. Hindi ko nga alam kung bakit pero ako naman si uto-uto, pumapayag na lang.


Nag-init agad ang mata ko at mabilis na nangilid ang luha roon nang bigla ko silang maalala. Miss na miss ko na sila!


Lumipas ang isang linggo. Isang linggong sobrang nakakastress! At nakakaiyak. Stress dahil nakakapanibago sa mga gawain. Ang dami kasing assignments! Grabe, isang linggo pa lang ang klase pero sandamakmak na ang ibinibigay sa aming mga takdang-aralin. Idagdag mo pa ang pagkadami-daming libro na sobrang kakapal at bibigat pa.


Nakakaiyak naman dahil hindi ko sila kasama. Ilang beses ko silang nakitang lima na magkakasamang bumibili sa canteen. May mga kasama silang ibang estudyante na hindi ko kilala, siguro mga bagong nilang kaklase at siguro rin, mga bago nilang kaibigan. Hindi ko sila malapitan dahil nahihiya ako. Nahihiya ako na baka mamaya, kapag nakihalubilo ako, baka hindi na ako belong sa kanila.


Feeling ko nga pinalitan na nila ako, eh.


Sa isang linggong iyon, walang araw na hindi ako umiiyak pagkauwi. Sobrang sakit at nakakalungkot! Na parang nitong nakaraan lang, ako 'yung kasama nila. Pero ngayon, may kaibigan na silang iba.


Ahh! Akala ko ba highschool ang pinakamasaya sa lahat?! Hindi naman pala!

"Goodbye and thank you, Ma'am Beth." Sabay-sabay naming paalam kay Ma'am. Siya na ang huling teacher namin bago magrecess.


May baon akong pagkain. Pagkatapos kasi ng isang linggong iyon, sinabi ko na kay Mommy na magbabaon na ako araw-araw. Tinanong niya kung bakit pero hindi ko sinabi ang dahilan. Nag-alibi na lang ako sa kanya. Tiyak kasi na kapag sinabi ko sa kanya ang dahilan ko, kakausapin niya ang mga 'yun. Nakakahiya! Baka mamaya kung anong isipin nila.


Pagkatapos kong kainin ang baon kong biscuit, kinuha ko ang tumbler ko sa bag. Nagtaka ako nang hindi ko iyon makita.


"Adele, nakita mo ba 'yung tumbler ko?" Tanong ko sa katabi kong tahimik na nagsusulat. Napatingin siya sa akin.


A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon