Simula

417 6 0
                                    


"You can give it to me! What's the big deal, Crisha?!" Pagalit niyang sigaw sa akin.

Napayuko ako at pinaglaruan ang kamay na nasa tapat ng hita ko.

Gusto kong umiyak. Gusto kong umalis sa harap niya. Gusto kong manumbat. Gusto kong lumaban sa kanila.

Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kaya. Dahil wala akong karapatan. Dahil duwag ako. Dahil hindi ko kayang mawala sila sa akin.

"Give it to your sister, already, Crisha! You can always find a new job!" Pagalit na sabi ni mommy.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko at buong lakas kong nilabanan ang huwag pagpatak nito.

Ayokong pagalitan na naman nila ako dahil dito.

"B-but mom? I-it's my dream," maliit ang boses na sabi ko.

"Yes! And your sister like it! So give it already to her!" sabi ni Mom.

Mas lalo akong napayuko. Ilang beses kong inulit sa sarili ko na ayos lang ito dahil gusto nilang sumaya si Krizia.

"I've worked hard to earn it, Mom. I love my job. It's hard for me to let it go," sabi ko.

"What are you saying?! I know it's easy for you! Para namang may malaking mawawala sayo kapag hindi mo binigay sa akin!" sabi ni Krizia.

'Malaki, Krizia. Malaki. It's my dream! I worked hard for it! And my hardwork deserves it!'

Tanging ang pagkakanta at paggigitara ko sa gig naming mga kaibigan ay ang magpapasaya sa akin.

I'm still in college. Wala akong masyadong allowance kaya kailangan ko ng part time. At ngayong sumisikat na ang banda namin ay gusto naman kuhain ni Krizia ang puwesto ko duon.

Kasama ako sa pagbaba ng banda hanggang sa sabay-sabay naming i-angat iyon. Pero hindi ko talaga matanggap na kailangan kong isuko iyon para lang kay Krizia.

Buong buhay ko ay binibigay ko ang lahat ng gusto nila. Sinasakripisyo ang lahat gusto ko para lang sumaya si Krizia.

"P-pero ako po ang nakilala ng mga fans bilang guitarist. B-baka po magtaka sila kapag nakita nila si Kriza--"

"Magkamukha naman kayo, Crisha. Anong ipagtataka nila? Magpanggap kang siya at ipapakilala ka niya sa mga kabanda mo. Tapos ang problema!" Pagputol ni Mom sa sasabihin ko na parang katiting na problema lang ang pinag-uusapan namin.

'Now they want me to hide my identity? To pretend I'm her? So she can enter my band? Damn it!'

Malalim akong bumuntong hininga at dahan-dahang tumango at nag-angat ng tingin.

"S-sige po," sabi ko habang diretsong nakatingin kay Mommy.

Lumiwanag ang mukha ni Krizia at napangiti ng malapad si Mommy.

"Yehey! Finally! I can play guitar in front of many people!" sabi ni Krizia at yumakap kay Mommy.

Nag-saya na sila at nabalewala na ang presensya ko. Parang isang iglap ay naging hangin na ako sa kanila.

Ngumiti ako ng mapait at pinigilan ang luha sa pagpatak.

"A-aalis na po ako, Mommy. Mag-aaral pa po ako," paalam ko ngunit hindi nila iyon narinig dahil busy pa sila sa pagdiriwang nila.

Kinuha ko ang backpack ko at umalis ng mansion nila saka ako nagpara ng taxi para maka-uwi sa condo ko.

Hindi naman ito malaki ngunit hindi rin maliit. Sakto lang para sa akin.

Sa katunayan ay binigay ito ni Daddy sa akin na ayaw ko namang tanggapin dahil masyadong mahal ito pero nagpumilit siya.

Kaya halos anim na taon na akong nakatira dito at si Daddy at ang pinsan ko lamang ang nagpupunta dito.

Pagkadating ko sa condo ko ay agad kong nilagay ang bag ko sa sofa at dumiretso sa paghiga sa aking kwarto

Unti-unti kong naramdaman ang bigat na kanina ko pang pinipigilan at nangilid na naman ang luha ko.

Hindi ko na ito pinigilan at niyakap ang unan at sinubsob duon ang mukha saka tahimik na umiyak.

Kahit na wala akong kasama ay takot akong umiyak ng malakas. Sanay akong magpakita na malakas ako. Kahit sa sarili ko lamang.

Dahil sarili ko lang din naman ang kasama ko sa lahat.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak at nagising ako ng alas-singko ng umaga.

Agad akong nag-ayos ng sarili at nagsuot ng isang grey na sando, grey na jogging pants at rubber shoes saka pinusod ang buhok ko.

Tuwing umaga ay lumalabas ako ng condo para makapag-jogging at excersise. Araw-araw ko itong ginagawa at nasanay na rin naman ako.

Ilang oras pa akong tumakbo hanggang sa sumikat na ang araw at umupo ako sa isang bench na nakita ko at ininom ang tubig.

Saktong pagkatapos kong uminom ay tumunog ang cellphone ko para tignan kung sino ang tumatawag.

Halos mapabuntong hininga ako ng makitang si Mommy iyon ngunit sinagot ko rin naman.

"Mommy! Napatawag ka?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

[Call you bandmates and tell them you need to meet up. Sunduin mo dito si Krizia by ten] diretsang sabi niya.

Bago pa man ako maka-angal ay binaba na niya ang tawag. Bumuntong hininga ako at tinignan ang oras. Alas-otso na at may dalawang oras nalang ako.

Tinawagan ko si Manny na siyang pinakamalapit sa akin at sinabing magkita kami sa isang restaurant sa SM Mall of Asia.

Umuwi ako sa condo at naligo saka nagsuot ng simpleng damit. Dumaan ako sa McDo para mag-take-out ng burger at isang inumin saka ako pumara ng taxi para makapunta sa mansion nila Mommy.

Lutang ako buong byahe dahil alam ko na ang mangyayari mamaya. Gusto kong umatras pero wala akong lakas.

Nang makarating ako sa labas ng mansion nila Mommy ay huminga ako ng malalim bago ko tinahak ang daan papasok.

'This is it, Crisha'

____________________

Breathless

Written by: Lewejaleah 💎

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon