Kabanata 22

125 5 0
                                    


Kabanata 22

Falling






"What kind of party, Tita?" Tanong ko.

"Uh...formal? For business and it's masquerade" sabi niya.

"Kailan daw po iyon?" Tanong ko ulit.

"This weekend daw" sagot ni Tita.

Napaisip ako dahil duon. I don't usually attend to those kind of parties kahit na matagal na akong niyayaya ni Daddy.

Sabi niya ako daw kasi ang magmamana ng negosyo niya at kailangan daw alam ko na ang bagay na may kinalaman duon. Pero hindi ako pumayag dahil ayokong makihalubilo sa maraming tao.

"I know that you don't want this kind of parties but think about it, Crisha. It's a new experience" sabi ni Tita.

"Sige po. Paki sabi nalang kay Daddy na pag-iisipan ko" sabi ko at tumango siya.

Bumaba si Tito Charlie at sinalubong siya ni Tita. Nag-paalam silang aalis dahil gustong mag-shopping ni Tita kay kami nalang ni Lindzy ang naiwan kasama ang mga kasambahay.

Napapikit ako at isinandal ang ulo sa backrest ng sofa. Sumasakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay marami akong problemang dinala.

Medyo nabawasan ang bigat na nararamdaman ko kahapon pero bigla yatang dumagdag iyon ngayon.

"A penny for your thoughts?" Pagputol ni Lindzy sa pagmumuni-muni ko.

Minulat ko ang mata ko at sinulyapan siya pero hindi gumalaw sa pwesto. Napabuntong hininga nalang ako at tumitig sa ceiling.

"Matanong nga kita, Crisha. Ano ba talagang nararamdaman mo kay Max?" Tanong ni Lindzy na natigilan ako.

"H-huh?" Kunot noong tanong ko.

"Anong totoong nararamdaman mo kay Max? Papangunahan na kita, ah? Kapag tumagal itong pagpapangap mo at nalaman ito ni Max, paniguradong masasaktan siya. Nakikita kong totoo kang mahal ni Max at kahit sabihin na natin na masyadong maaga pa ang pagkikita niyo pero siya, matagal ka na niyang kilala" sabi ni Lindzy at napangiti ako ng mapait.

"Hindi ako ang mahal niya. Nakikita niya sa akin si Krizia kaya niya sa 'kin pinapakita ang motibo niya. Hindi siya masasaktan dahil hindi ako ang mahal niya. Magagalit siya, oo, dahil hindi ang totoong mahal niya ang pinakakitaan niya ng mga galaw niya" sabi ko na may pait sa tono.

"Hindi nga ikaw si Krizia pero ikaw ang parati niyang kasama. Baka dumating ang panahon na sa 'yo mapunta ang pagmamahal niya kay Krizia at iyon ang sinasabi kong masasaktan siya kapag nalaman niya ang totoo. Kaya sagutin mo ang tanong ko" sabi niya.

Bumuntong hininga ako at hindi pinansin ang una niyang sinabi.

"Hindi ko alam. Hindi ko siya gusto pero may iba't-ibang emosyon siyang pinaparamdam sa akin. Sa kanya ko lang nararamdaman at wala sa ibang lalaki na nakapalibot sa akin" sabi niya.

"Anong nararamdaman?!" Nanlalaki ang mata niyang tanong.

Bahagya akong matawa at ipinilig ang ulo.

"Hmm...katulad nalang ng bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit siya. Palagi akong kinakabahan at parang mapupugtol ang hininga ko. I sometime feel butterflies in my stomach which is kind of funny. At sa twing malapit siya sa akin ay nawawala ako sa wisyo" paliwanag ko habang nakatitig sa ceiling ngunit agad din namang tumingin sa kaniya.

"Omg!" Exageratted na sabi niya at may patakip pa sa bibig.

"A-anong tingin mo sa kanya? I mean, describe him in your own words" sabi niya at napa-isip ako pero hindi naman kalaunan ay napangiti rin.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon