Kabanata 23

120 5 0
                                    


Kabanata 23

Date



"Where do you want to go?" Tanong niya sa akin habang nasa byahe kami.

"Hindi mo ba ito pinaghandaan? Suprise me!" sabi ko at ngumisi siya.

"I didn't really think about that. Gusto ko kasi ikaw ang masusunod" sabi niya.

"Kung ako ang papapiliin ay pupunta ako ng amusement park o 'di kaya arcade sa mall. Tapos kakain sa fastfood at tatambay sa luneta park" usal ko.

Tumawa siya sa sinabi ko kaya napanguso ako.

Iyon talaga ang gusto kong puntahan nuon kasama sila Mommy at Daddy twing birthday ko.

Pero dahil hindi magkabati sila Mommy at Daddy ay si Daddy lang ang kasama ko. Minsan ay ang sinasabi ko nalang ay okay lang na hindi kami mamasyal dahil alam kong sa loob-loob kong hindi rin naman ako sasaya dahil hindi kumpleto.

"Huwag mo nga ako pagtawanan! Iuwi mo na ako!" Inis na sabi ko at pinalo siya sa balikat.

Hinuli naman niya ang kamay ko at hinawak iyon sa manibela kasama ng sa kanya.

"Sorry na. The date I was expecting you to say is we'll go shopping, eat in a fancy restaurant and even just to go to Brazil just for a one day date" sabi niya at humalakhak.

Si Krizia, oo siya ang babaeng manghihingi ng ganoong date pero iba ako. Sabi niya ay be honest daw ako sa kanya.

Kahit na nagsisinungaling pa rin ako ay gusto kong ipakita na may bagay rin akong pinapakitang tunay sa kanya.

"Ayoko ko na sa ganoon nagsasawa na ako" sabi ko.

"Okay, then. Let's go to the mall to play arcade" sabi niya kaya lihim akong napangiti.

Pumunta kami sa mall na nadaanan namin at pumasok sa loob. Hinila ko siya Quantum at saka bumili ng token.

He even insisted carrying my bag while we walk. I refused because for me it's kinda awkward to see a guy wearing a woman's bag.

'Or I'm just not used to it?'

"Okay, what do you want to play first?" Tanong niya.

"Hmm...gusto ko, ayon!" sabi ko sabay turo sa machine.

Lumapit kami duon. Isa itong machine na parang drums. May set ng drums sa harap tapos sa harap ay nanduon ang screen at iyon ang susundan mo kung kailan mo papaluin ang drum.

"You sure you want to play this?" Tanong niya at tumango ko.

"Of course" sabi ko at umupo sa upuan.

Kinuha niya sa akin ang bag ko at hinayaan ko na siya dahil kailangan ko ang dalawang kamay ko sa paglalaro saka naglagay ako ng token. Pumili ako ng kanta at pinili ko ay iyong isang rock song.

Seryoso ako habang nalalaro at minsan ay napapangiti dahil nami-miss kong mag-drums.

Gusto ko ulit tumugtog sa gitna ng maraming tao. Gusto kong tumugtog ng totoong drum pero hindi na pwede.

Naka-limang ulit ako sa paglalaro duon at pare-parehong mahihirap daw sabi ni Devon pero madali lang sa akin.

Napansin ko pa ang pagpalibot ng mga tao sa akin at tinututukan ako ng cellphone.

Sanay na ako sa ganoon at dahil bawal nga ako makita ay ginamit ko ang buhok ko bilang pangtabing ng mukha ko.

Baka kumalat iyon sa social media at baka makita ng kabanda ko at ni Krizia. Lagot na. Mas mabuting nag-iingat.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon