Kabanta 37Win
"Whoa! Ang lalim yata ng pinaghuhugutan ni Candidate number 18!" sabi ng emcee na nagpabalik sa akin sa realidad.
Pasimple kong pinunasan ang luha ko at pinigilan ang pag-agos nito saka nakangiting bumaling sa buong crowd. I hear the cheer but I see their worried faces.
Bumalik na ako sa pwesto ko dahil tinawag na ang kasunod ko. Lutang ako sa sumunod na nangyari. Basta ang alam ko ay nage-elimination na sila.
"And now we have our top four" anunsyo ng emcee.
Duon ko lang napansin na apat na lang pala kami sa stage. Nasa gitna kami at ang mga katabi ko ay sila Tria, Lay at si number 17.
Halatang kinakabahan ang dalawa pero taas noo lang si number 17. I composed myself and take a deep breath.
'This is it, Crisha!'
"The third runner up is..." pabitin effect ng emcee.
"Congratulations candidate number 4!" Anunsyo niya at nagsigawan ang crowd.
Nakangiti namang tinanggap ni Lay ang sash at flowers saka siya pununta sa gilid.
"For our second runner up, congratulations, Candidate number 7!" Anunsyo ng babaeng emcee at mas lalong nagsigawan ang lahat.
Nakangiti ring tinanggap ni Tria ang sash at flower saka tumabi kay Lay.
"And for our awaited moment! Ladies, please hold hands" sabi ng lalaking emcee.
Kahit labag sa kalooban ko at humarap ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Ugh! Is this even necessary?" Mataray na tanong niya.
"I don't know. Ask them" mahinang sabi ko at pinigilan ang pagrolyo ng mata.
"I will announce the first runner up and the latter will be automatically crowned as the Ms. Olivians 2020" sabi ng babaeng emcee.
"I wil be the winner, bitch. Stop assuming and trying to compete. You will always be a loser" sabi niya habang nakangisi.
Hindi ko alam pero ngumisi din ako sa kanya.
"Oh, watch me" nakangising sabi ko.
I am confident right now. Hindi ko alam kung bakit.
"First runner up, candidate number..." mabagal at pabitin effect na sabi ng babaeng emcee.
"Congratulations, candidate number 17!" Mabilis na sabi ng babaeng emcee.
Umawang ang labi niya at nabitawan ang kamay ko pero ako naman ay natulala. Nabibingi ako sa ingay ng crowd at nabalik lang ako sa realidad nang may lumapit sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti dahil nanalo ako! Nanalo ako! Sinuotan ako ng sash at binigyan ng flowers saka ako sinuotan ng korona sa ulo.
Puro palakpakan, tilian at sigawan ang naririnig ko at kailangan pa nilang bumulong para magkarinigan kami.
'Ay? Miss Universe lang ang peg?'
Niyakap ko ang ibang contestant at binabati nila ako ng congratulations. Maya-maya ay bumaling ako sa harap ng umakyat ang tatlong judge para makipag-kamay sa akin.
"I really like your answer in Q&A. I am a mother and I understand. Anyway, congratulations" sabi nung nasa gitna kanina.
"Thank you po" nakangiting sabi ko at nagbeso kami.
"You should've sing in your previous talent portion! Oh god! Edi sana ilang beses ka nang nanalo!" sabi naman nung nasa gilid kaya natawa ako.
Nagbeso rin kami at ganoon din sa isa pang judge. Nagkaroon ng picture taking sa stage kasama ang lahat ng contestant, judge at mc kaya hindi muna kami bumaba.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...