Kabanata 18

119 6 0
                                    


Kabanata 18

Lindzy





Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo at tulala duon dahil sa sinabi ni Chester.

May mga salita na tumama sa akin at gulo-gulo na ngayon ang utak ko. Hindi ko na alam kung ano ang tama at mali. Wala akong matinong maisip ngayon.

Agad akong natauhan nang may maramdaman na tumulo sa aking palad. Tinignan ko iyon at duon ko lang napansin na may luhang tumutulo sa pisngi ko.

Agad ko iyong pinunasan at kinalma ang sarili ko. Sumisinghot-singhot pa ako at mabilis ang pagkurap ng mata para mapigilan ang paglabas ng luha sa mata ko.

'No. I won't cry anymore. Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak. Na magiging matatag na ako'

I did the breathing exercises  to calm myself. Humakbang ako palapit sa pinto at akmang bubuksan na sana iyon nang makarinig ako ng ingay mula sa loob kaya naman na napalingon ako sa likod.

I squinted my eyes to see what's in there but because of the darkness, I can't see anything.

Nagkibit balikat nalang ako at binuksan ang pinto. Agad kong tumakbo ang distansya ng janitor's room at ng classroom namin.

Saktong pagkarating ko ng classroom ay saka lang tumunog ang ang bell. Nakasalubong ang walang buhay na mata ni Chester sa akin pero agad din naman siyang umiwas.

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang upuan ko. Tahimik lang kaming lahat sa buong klase at alam kong gustong magtanong ng kaibigan ni Krizia pero wala akong imik.

Hanggang sa umabot ang lunch break ay tahimik lang ako. Ganoon din si Chester habang papunta kaming cafeteria

"What do you want to eat?" Tanong sa amin ni Ivory.

"Just sandwich" sabi ni Serena.

"Fried chicken and rice lang sa akin" sabi naman ni Haisley.

Dumapo ang tingin niya sa akin at kay Chester at una akong nagsalita.

"I'm not in the mood to eat. Kayo nalang" sabi ko at ngumiti kahit pilit lang.

'Well, no one will notice it. I'm a great pretender'

"Ayaw talaga? Kahit ano?" Pagpupumilit ni Ivory.

"Okay. Just juice. Thank you" sabi ko at bumaling naman ang tingin niya kay Chester na naglalagay ng earphone.

"Not hungry" simpleng sabi niya at sinalampak ang earphone sa tenga.

Nagkibit balikat nalang si Ivory at pumunta sa pila.

"What's up? Bakit ang grumpy niya?" Bulong sa akin ni Serena at nginuso si Chester.

Nagkibit balikat ako at sumandal sa upuan.

"Maybe he's just angry about last night. Don't mind it" simpleng sabi ko.

Ilang sandali pa ay namataan namin si Ivory na kausap si Rhed papunta sa amin. Hindi ko pinakita na nagulat ako at nginitian silang dalawa ng makabalik sila.

"Hi" bati sa akin ni Rhed na sinuklian ang ngiti ko.

"Hi" nakangiti rin na bati ko.

Nakangisi si Ivory habang binibigay ang pagkain nila Serena ay Haisley.

Umupo si Rhed at Ivory sa harap naming tatlo at uminom naman ako sa juice na binigay ni Ivory sa akin para maiwasan ang tingin niya. His gaze somehow intimidate me.

"So, dahil ayaw mag kwento sa amin ni Krizia, how's your date last Saturday, Rhed?" Tanong ni Serena at sinulyapan ako.

Bahagyang namula ang pisngi ni Rhed at napakamot sa batok na ikinatigil ng tatlo.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon