Kabanata 45

165 9 0
                                    


Kabanata 45

Visit


Third Person's POV

"Guys! The Fourth tayo ngayon! Who's in?" Sigaw ni Serena sa buong klase.

"Woah? Manlilibre ba kayo?" Tanong ng isa.

"Yeah. Krizia's treat" sabi ni Ivory at nagsigawan ang lahat.

"Bihira 'yan, ah? Anong meron, Krizia?" Tanong ni Maria kay Krizia.

"My birthday is coming up. Monday, early celebration" sabi ni Krizia.

'That means it's also Crisha's birthday' sabi ni Max sa isip niya.

"Edi may celebration din sa birthday mo?" Tanong ng isa.

"Of course! Lahat kayo ay invited" sabi ni Krizia at nagsigawan ulit ang lahat.

"Sama tayo?" Tanong ni Aiken sa tatlo niyang kaibigan.

"This is rare, so why not?" Tanong ni Margaux.

"I'm in too" sabi ni Theonie at simpleng tango lang ang sagot ni Max.

"So, lahat ng sasama ay sunod nalang, ah? We rented half of the place" sabi ni Krizia.

Lumapit sa kanya si Rhed at sabay-sabay silang lumabas ng classroom. Sinadyang nagpaiwan si Haisley para makausap niya si Chester.

Silang dalawa nalang ang naiwan sa classrom at lumapit siya kay Chester na walang pakealam sa paligid niya.

"What do you want?" Malamig na tanong ni Chester nang mapansin na nakatingin sa kanya si Haisley.

"U-uh...will you join? I mean, please come?" Kinakabahang tanong ni Haisley.

"Why would I? You judged my cousin and do you think I will see your faces while backstabbing her? Sa tingin mo masisikmura ko pang makipagsayahan sa inyo?" Galit na tanong ni Chester na bahagyang mapaatras si Haisley.

"I-I know. Gusto ko sanang sabihin mo sa kanila ang totoo" sabi ni Haisley at galit siyang binalingan ni Chester.

"Nung iyong pinsan ko ang nanghingi sa inyo ng pagkakataon para magpaliwanag, pinakinggan niyo ba?! Hindi, diba? Hinusgahan niyo siya agad! At sa tingin mo makikinig sila ngayon sa 'yo? Ha! Tignan nalang natin kung paano baliktarin ng kaibigan niyo ang lahat!" Galit na sigaw nito sa kanya.

Nabuhay ang takot sa sistema niya dahil hindi niya pa nakitang ganito kagalit si Chester. Sanay siyang makita ang binata na kalmado at palangiti. Pero iyon ay kung kasama niya si Crisha.

"Alam kong galit ka, pero bakit hindi natin ipaliwanag sa kanila at patawarin ninyo ni Crisha si Krizia?" Tanong ni Haisley.

Agad namang dumilim ang mukha nito at mas lalong nakita nya ang galit sa mata nito. Umiigtig ang panga at bumabali-bali ang leeg habang mariin ang pagkakuyom ng kamao dahilan para lumabas ang ugat niya sa braso.

"Patawarin. That's a big word, Haisley. Sa tingin mo kaya kong patawarin ang babaeng sumira sa buhay ng pinsan ko? Wala siyang ginawa kundi agawan nang agawan si Crisha! Wala siyang awa kahit pa mahalaga ito kay Crisha at wala namang magawa si Crisha dahil gusto niya makuha ang atensyon ng Mommy niya na ipinagkait sa kanya! At sasabihin mong patawarin ko siya? Namin ni Crisha? Easy to say but hard to do. For your fucking information and all of you, kamuntikan ng magahasa si Crisha dahil sa baliw niyang ex na iniwan siya! Tangina! Sa tingin mo kaya ko iyong patawarin? Ha?" Galit na sigaw ni Chester.

Natigilan sya sa mga impormasyong nasagap niya. Hindi niya alam na ganoon iyon.

"M-magahasa? Kailan?" Tanong ni Haisley dahil iyon lang ang tanging tumatak sa isip niya.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon