Kabanata 53Accident
Third Person
"FUCK! KRIZIA! MOVE OUT OF THE WAY!" Lahat sila ay napatingin kay Crisha nang bigla siyang sumigaw ng malakas.
Bago pa man makapagtanong ang mga malapit sa kanya ay kumawala siya sa hawak ni Maddle at mabilis na tumabo papunta sa pinanggalingan ni Krizia.
Sabay-sabay silang tumingin duon at nanlamig ang mga katawan nila ng makita ang isang napakalaking truck na bumubulusok papunta sa kambal.
"No...no..." mahinang sabi ni Lindzy saka sinundan si Crisha.
Maski ang mga kaklase ni Krizia ay gulat sa nangyari at napatakbo papalapit sa kanila nang 'di oras.
"CRISHA! WHAT THE FUCK?!" Malakas na sigaw ni Chester nang makita ang pinsan na tumatakbo papunta sa kambal niya.
Lahat sila ay tumakbo sa kagustuhang iligtas ang dalawa pero huli na ang lahat.
Saktong pagkatulak ni Crisha sa kanyang kambal ay tumama ang kanyang katawan sa truck na lumikha ng malakas na pwersa.
Napanood nila kung paano tumilapon ang katawan ni Crisha papunta sa malayong parte ng kalsada at nang lumapat ito sa lupa ay gumulong pa siya ng tatlong beses bago huminto at rumagasa ang dugo.
"No...no. No! Fuck! Crisha!" Nanlalamig na sigaw ni Chester at tumakbo ng mabilis.
Naghati sa grupo ang buong estudyante, ang kalahati ay pinahinto ang truck saka pinababa ang driver na mukhang nagulat din at ang kalahati ay tumatakbo papunta kay Crisha at Krizia at may tumatawag ng ambulansya.
Pero bago pa man sila makarating kay Crisha ay agad na sumulpot si Max at agad na sinipat ito.
"Fuck, darling. You're not doing this to me!" Mariin na bulong ni Max habang sinisipat ang pulso ni Crisha.
Huminto ang grupo ng estudyanteng tumatakbo papunta kay Crisha at sabay-sabay silang napasinghap nang makita ang lagay nito.
May dugo sa kanyang ulo at mukha, ang kulay puting damit ni Crisha ay naging pula dahil sa dugo, nakapikit ang mata habang naliligo sa sariling dugo.
Napahagulgol si Lindzy at yumakap kay Chester na naka-awang ang labi ngayon. Napaiyak din ang mga kaibigan ni Crisha habang ang iba ay halata ang lungkot sa mga mukha.
"No! Fuck! She'll live! Hindi siya mawawala! Damn! Stop crying! Wala kayong iiyakan! She's still alive!" Sigaw ni Chester sa kanila.
"C-crisha" naiiyak na sabi ni Maddle habang magkayakap silang lahat sa isa't-isa.
"Did someone call the ambulance already?" Tanong ni Manny habang nilalabas ang cellphone.
"Papunta na" sabi ni Majorie sa isang malungkot na boses.
Maingat na hinawakan ni Max ang mukha ni Crisha at naramdaman niyang nangingilid ang luha nito.
"Open your eyes, darling. Please open them. Let me see your beautiful orbs. Don't do this to me, p-please?" Naiiyak na sabi ni Max.
Kinuha ni Chester ang cellphone niya at tinawagan ang pulis na tinawagan niya nung gabing pinasok ni Marcux ang condo ni Crisha.
Nangingitngit siya sa galit habang nakayakap kay Lindzy at tanaw-tanaw ang driver ng truck na hawak ng mga estudyante.
"Hello, officer? It's me again" sabi ni Chester.
[Chester, what is it?] Tanong ng pulis.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...