Kabanata 10Marupok
Pagkatapos ng lunch break ay wala kaming teacher dahill daw ay absent dahil may sakit. May pinagawa lang na seatwork at tapos na kaming lima kaya nag-uusap na kami.
"Sa Sunday nalang tayo mag-sleep over" sabi ko.
"No problem with us. Basta may bebe time ka" sabi ni Serena at tumawa.
Napangisi nalang ako. Si Krizia kamo ang may bebe time ng Saturday.
"Basta magdadala pa rin kami ng friends, ah?" Sabi ni Ivory at tumango ako.
"Basta hindi marami. Ayaw ko ng masyadong maingay kapag natutulog na ako, eh" sabi ko.
"Sure thing" sabi ni Ivory.
"Nga pala, paano kayo nagkakilala ni Chester? You two seem close" sabi ni Haisley.
"We met since childhood" sabi ni Chester.
"Oh...childhood sweetheart!" Tukso ni Haisley.
"Magkaibigan nga lang kami. Hindi kami talo" sabi ko at natawa si Chester.
"Yeah. Hindi talaga" dagdag ni Chester.
'Hindi talaga. I never really thought i'll like this cousin of mine as a man. I mean, who does that?'
"Sayang. Bagay pa naman kayo. Oh well, nandyan naman si Fafa Rhed!" sabi ni Ivory sabay sulyap kay Rhed na nasa pinakadulo at may headphones sa tenga.
"I still remember it clearly, Krizia. Iyong una nating nakita si Rhed dito sa school. Gosh! Inaway mo pa ako dahil inaagaw ko kuno si Rhed" natatawang kwento ni Ivory na sinabayan ng dalawa.
"Oh! Oo nga! Hindi ka pa nya pinansin ng isang linggo dahil duon. She acts like you are not her friend" sabi ni Serena.
'Krizia did that? Ganoon ba kalakas ang tama nito kay Rhed?'
"Paano niyang nasabing inaagaw mo si Rhed?" Tanong ni Chester kay Ivory sabay sulyap sa akin.
"Well, may groupings kami nuon. It's roleplay and the genre is romance. Kami ang magka-tambal dahil bagay daw kami. Mukhang na-mis understood ni Krizia kaya ayun! Silent treatment" sabi ni Ivory.
Hindi ko maiwasang hindi matawa bahagya. Ang maldita at bossy na kambal ko ay hindi ko alam na may ganitong side.
Lahat ay nakukuha niya kaya siguradong nagalit siya ng wala sa kanya ang atensyon ng crush niya. Hindi iyon makakapayag.
Akala ko ay aawayin niya si Ivory dahil duon kasi ganoon naman palagi ang ginagawa niya pero nagkamali ako.
Talagang mahalaga si Ivory sa kanya kaya hindi niya magawang awayin si Ivory. I guess she really care and keep her friends.
'A soft side of Krizia Maude'
Nagpatuloy sila sa pag-uusap at nakinig lang ako. Mabilis na natapos ang klase namin para sa araw na iyon kaya pumunta ako sa mansion ni Mommy at kitain si Krizia. Sasabihin ko pa na gustong makipag-date ni Rhed sa kanya ngayong sabado.
Nang makarating ako sa labas ng mansion ay agad akong pumasok. Gaya ng dati, binati ako ng mga maid at iginaya ako kung saan nanduon sila Mommy at Krizia.
Naghahapunan palang daw sila kaya pumunta ako sa dining area.
Nakita kong nakapantulog na sila. May suot na reading glasses si Mommy at may binabasa sa tablet habang si Krizia ay nakababad sa laptop niya sa gilid ng pagkain niya.
"What brings you here?" Mataray na tanong ni Mommy habang hindi nakatingin sa akin.
"May kailangan po akong sabihin kay Krizia" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...