Kabanata 39

141 5 0
                                    


Kabanata 39

Doomsday




Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nanlamig ang kamay habang nakatingin sa cellphone.

'Walang hiyang, Rhed! Sinira na! Wala na! He gave them a wrong information!'

"Kung hindi ikaw si Krizia, sino ka? At nasaan si Krizia?" Tanong ng isa dahil wala naman iyon sa article.

"Anong makukuha mo diyan? Anong makukuha ko sa pag-agaw ng buhay ni Krizia?" Tanong pa ng isa.

Na-blanko ang isip ko. Walang tumatakbo sa isip ko at nabura ang plano ko na dapat gagawin ko ngayon.

"It is not what you think" iyon na lang ang nasabi ko.

Simpleng pangungusap lang pero nalaking epekto sa kanila. Bakas ang disappointment sa mukha nila ng sabihin ko iyon.

"Totoo nga" bulong ng isa.

"Magpapaliwanag ako. Hindi ito tulad ng iniisip ninyo" sabi ko at sinulyapan ko si Rhed na may ngiting tangumpay.

'Ako ang ngingiti ng tagumpay kapag nalaman mo ang pinag-usapan namin ni Krizia kanina. Tanga ka, naniniwala ka sa kasinungalingan ng kapatid ko'

"Ano pang ipapaliwanag mo? Kung paano mo kinuha ang lahat ng bagay na mayroon si Krizia?" Sarkastikong tanong ng isa.

Biglang kumirot ang puso ko dahil duon. Ang sabi nila ay hindi nila ako huhusgahan agad pero ano ito? Bakit ayaw nila akong magpaliwanag?

"Please, mali ang iniisip ninyo, hindi ganoon ito" sabi ko at kaonti nalang ay iiyak na.

Pero hindi ako iiyak sa harap nila. Ayokong makita nila ang kahinaan ko.

"Tama sila, wala ka nang dapat ipaliwanag pa" tumayo ang lahat ng balahibo ko nang marinig ang malamig na boses ni Serena mula sa likod ko.

Agad akong humarap sa kanila ay nakita ko ang mga walang emosyon sa mukha nila. Sila Serena, Ivory, Haisley, Theonie, Devon, Aiken, at ang nakangising mukha ni Margaux.

Agad akong umiling sa kanila na umaasa na sa isang pag-iling ko ay maipapaliwanag ko ang side ko.

"H-hindi ito tulad ng iniisip ninyo" nauutal na sabi ko.

"Bakit? Ano bang makukuha mo sa pagpapanggap na si Krizia? Ano? Kaibigan? Pera? Fame? Ano?" Tanong ni Ivory na ikinasikip ng puso ko.

'I can get that all by myself. You shouldn't tell me that, you should tell that to your true Krizia'

"Naniwala kami, Krizia--oh, you're not Krizia. Let's call you, impostor" sarkastikong sabi ni Serena.

"Pinaniwala mo kami at ang tanga namin dahil sa pagpapangap mong kaibigan namin! Dapat ay hindi ka na nagpanggap kung gusto mo ng kaibigan! Pwede kang magpakilala sa amin ng maayos at tatanggapin ka namin at hindi ganito!" Sigaw ni Ivory at napapikit ako.

"Hindi ako makapaniwala. Isang buwan na pinagmukha mo kaming tanga-tanga. Pinaniwala na ikaw talaga si Krizia. At ang galing mo rin bilang napakagaling na aktres. Mapaniwala mo kami" sabi ni Haisley.

Malalim akong humugot ng hininga at nahagip ng mata ko si Aiken na walang emosyon na nakatingin sa akin.

"Aiken" mahinang tawag ko kay Aiken na umaasang tulungan niya ako.

Tumingin silang lahat sa kanya pero umiling lang siya. Biglang bumigat ang puso ko. Pakiramdam ko ay buhat ko ang buong mundo.

"I already had a hunch, simula pa lang nung sleepover. And the way you act, it's different from Krizia" mahinang sabi ni Theonie.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon