Kabanata 54

227 7 0
                                    


Kabanata 54

Worried



Third Person

Napatingin si Lindzy sa kanilang likod nang makarinig sila nang marinig ang maraming yabag na palapit sa kanila.

Nakita niya ang mga kaibigan ni Crisha, ang kaibigan ni Krizia, ang kaibigan ni Max at ang mga magulang niya. Pero ang ikinalaki ng mata niya ay nang makita ang parehong magulang ni Crisha ang tumatakbo palapit sa kanila na may matinding pag-aalala sa kanilang mukha.

"W-what happened? Any news?" Agad na tanong ni Manny sa dalawa ng makalapit sila.

Lahat sila ay naghahabol ng hininga dahil sa ginawang pagtakbo.

"Nasa loob pa siya" sabi ni Lindzy at bumaling sa mga magulang niya.

Agad siyang lumapit dito at niyakap niya ang magulang niya.

"She will be okay. She'll fight for us and for her" pag-aaalo ng kanyang ama sa kanya.

Napalingon siya sa Mommy ni Crisha ng marinig nya ang hagulgol nito. Nakita nyang umiiyak ito sa dibdib ng Daddy ni Crisha.

"Ako ang puno't-dulo nito. Sana hindi ito nangyari. S-sana hindi ito nangyari kung t-tinanggap ko siya" umiiyak na sabi ni Olivia.

Kumalas si Lindzy sa yakap ng ama at lumapit sa kanyang Tita. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang Tita dahilan para mapatingin ito sa kanya.

"Don't blame yourself, Tita. Crisha loves you no matter what you did to her. Hindi naman siya 'yong klase ng tao na kayang magtanim ng galit sa puso niya. Let's just pray. She will be okay" sabi ni Lindzy.

"Brix, ang anak ko....b-bakit kailangang mangyari ito sa kaarawan nila? B-bakit kailangang mangyari ito?" Umiiyak na tanong ni Olivia at humagulgol.

Walang nagsalita sa kanila ng yakapin ni Brix at napalayo na rin si Lindzy sa dalawa. Hindi niya alam ang nangyari pero masaya siya ng marinig mula sa bibig ni Olivia ang mga katagang 'anak ko'.

'Crisha would be probably happy if she heard that' sabi ni Lindzy sa kanyang isip.

Naupo sila sa upuan na nasa magkabilang gilid ng daan habang tahimik na umaasang lalabas ang doctor na may magandang balita.

Walang umimik sa kanila at puro iyak lang ang naririnig sa lugar nila. Lumapit si Aiken kay Max na kanina pa tulala at binigayan ito ng wet wipes.

"Punasan mo ang sarili mo. Puno ka ng dugo" sabi ni Aiken.

Napukaw niya ang atensyon ni Max at tinignan ang kanyang kamay saka tinanggap ang wet wipes sa kamay ni Aiken.

Habang dahan-dahan niya itong pinupunasan ay unti-unti na namang kumirot ang puso niya.

'Crisha's blood. Her blood. This is not a dream' sabi ni Max sa kanyang isip.

Huminga siya ng malalim para pigilan ang luha niyang gustong lumabas at patuloy na paglinis ng kanyang braso at mukha.

Saktong pagkatapos niyang magpunas ay namataan nila si Chester na walang emosyon sa mukha.

Agad itong sinalubong ni Brix at napatayo rin si Olivia.

"What happened, Chester? Bakit sinugod sa hospital ang anak ko?" Tanong ni Brix.

Malalim na napabuntong hininga si Chester bago hinilot ang kanyang sintido.

"She saved Krizia. Masasagasaan sana si Krizia ngunit tinulak siya ni Crisha dahilan para siya ang masagasaan" sabi ni Chester at bumagsak ang balikat ni Brix.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon