Kabanata 15

120 6 0
                                    


Kabanata 15

Two lie and a truth




Tinignan ko ang sugat ko sa banyo at nakitang sa gitnang-gitna iyon. Mapapansin siya agad dahil sariwa pa.

Hindi ko alam kung paano ko ito itatago sa kanila at isa pa, masakit ba ito kapag uminom ako ng alak mamaya?

Kahit na mababa ang tolerance ko sa alak at gusto kong tumanggi, may sugat sa labi o wala ay hindi rin ako titigilan ng mga kaibigan ni Krizia.

Alam kong papa-inumin nila ako at hindi ako hahayaang hindi uminom. Napaiktad ako dahil sa gulat ng makarinig ng katok sa pintuan ng banyo.

"Krizia? Are you there?" Para akong nakahinga ng maluwag ng marinig ang boses ni Ivory sa labas.

'Thank god, it's not that Demon'

"O-oo!" Nauutal na sagot ko.

"Kanina ka pa namin hinahanap. Lumabas ka na diyan at nandito na ang mga boys. Magsisimula na daw ang inuman" sabi niya.

"S-sige. Sandali lang. Paki-dala nalang ng mga kumot na nasa cabinet sa labas" sabi ko.

"Sige. Sunod ka, ah?" sa niya.

"Oo" sabi ko.

Sandali pa akong nanatili sa banyo at iniisip kung paano ko itatago ang sugat ko sa labi. Sa huli ay napabuntong hininga nalang ako at lumabas.

'Bahala na si batman'

Iniwasan ko ang tingin ni Devon na sumalubong sa akin pagkalabas ko ng kwarto ko at pumunta kay Serena na nasa kusina.

Napaatras ako sa gulat nang bigla niyang kurutin ang tagiliran ko kaya nanlalaki ang mata ko siyang tinignan.

"Tumatakas ka, ah? Sabi namin kwento ka, eh!" Nakangusong sabi niya at napangisi ako.

'Hindi ko naman sinasadyang iwasan, eh. Sadyang may epal lang na umeksena'

"Bukas nalang. Pagpasok" sabi ko.

"Sure na ba 'yan?" Tanong ni Haisley na sumama sa usapan namin.

Tumango ako at kinuha ang isang mangkok na puro yelo saka iyon dinala sa sala. Maingay ang mga lalaki habang si Devon at Margaux ay nasa gilid lang at mukhang may nasinsinang pag-uusap.

"Come on! Alas-siete na! Simulan na natin!" Sabi ni Walter.

Umupo ako sa isang comforter na nasa gitna at tumabi sa akin si Ivory.

Sa kanan namin ay nakaupo sila Jared, Tai, at Walter at sa tabi nila ay sila Theonie, Aiken, at Devon. Sa kaliwa naman ay nakaupo sila Haisley at Serena at sa tabi nila ay sila Margaux, Rex at Marcux.

Nasa gitna ang mga alak at pagkain at may softdrinks pa na natira kanina.

"Wait, ano muna ang mechanics ng last game mo?" Tanong ni Aiken.

"Oh. The dance or strip?" Tanong ni Serena.

"What else?" Rinig ko pang bulong ni Margaux na hindi pinansin ni Serena.

"It's easy. Parang truth or dare with a twist. Sasabihin namin kung ano ang isasayaw mo at kapag hindi mo kaya ay magbabawas ka ng damit mo. Don't worry, we won't getting nakey" sabi ni Serena na may ngisi sa labi.

"I'm game with it!" Pagsang-ayom ni Tai.

"I'm absoulutely in!" sabi naman ni Walter.

Nagsi-sang-ayunan na ang mga lalaki at ganun din naman sila Haisley. Tumingin sa akin si Serena kaya napatingin din ako sa kanya.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon