Kabanta 26Marcux
"That's right! One, two, three, pose!" sabi ni Lindzy at huminto ako pagkatapos ng three at nagpose nga gaya ng sabi niya.
Nilagay ko ang parehong kamay ko sa bewang ko at ngumiti ng pagkalaki-laki at dalawang beses na pinakita ang sides ng katawan ko.
"Very good!" Tili niya.
"Ang galing! Wow!" sabi ni Serena at pumalakpak pa.
"Walang palya, Krizia! Magaling ka pa rin at maganda!" Puri ni Ivory at tumawa.
"Pasado ka na dito, ang tanong, pasado ba sa last two portion?" Nanunuyang tanong ni Haisley at ngumuso ako nang magtawanan sila.
"Hoy! Prepared na ako!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Talaga? Sample nga!" Hamon ni Maria.
Sinundan naman iyon ng mga kaklase namin kaya napangisi ako.
"Tse! Suprise na iyon!" sabi ko.
Kasalukuyang nasa school kami ngayon. Homeroom namin at pinayagan naman kami na ipakita ko sa kanila ang gagawin ko sa pageant dahil sa next week na iyon.
Dalawang linggo matapos ang party na in-attend-an namin nila Lindzy at ang engkwentro namin ni Margaux sa power room.
Matapos non ay iniwan niya na ako duon na tulala sa sinabi niya. Sa paraan ng pagsasalita niya ay alam kong hindi siya nagbibiro kay kinakabahan ako.
Umiiwas ako kay Devon sa school pero pag-uwi naman ay pumupunta siya sa unit ko para mambulabog--ay! Manlambing pala sabi niya.
As for Chester, hindi niya talaga ako pinansin matapos ng pagtatalo namin. Nasanay na ako pero hindi pa rin ako mapakali.
Binibigyan niya ako ng silent treatment! At hindi ko siya makausap dahil sa twing na lalapitan ko siya ay lumalayo naman siya.
Sa loob naman ng dalawang linggo na iyon ay masasabi kong confident na ako para sa pageant dahil handang-handa na ako.
"Kailangan na rin nating mag-shoot para sa online votings, Krizia. Kailan natin gusto mong i-shoot?" Tanong ni Majorie.
"Pwede na ngayon para hindi masayang ang oras" sabi ko.
"Pwede rin! May isang oras pa tayo!" Sabi ni Maria.
Bakante ngayon si Lindzy kaya pinayagan siyang manood ng little rehearsal para sa pageant.
"Okay! Ayusin ang backround! Kulay blue dapat!" sabi ni Maria at kumilos naman ang iba naming kaklase.
"Ikaw naman, ayusin ang make-up ni Krizia" sabi ni Majorie sabay turo kay Rexor na siyang magiging make-up artist ko.
"Sure, mamhie!" sabi ni Rexor.
'Ngayon ko nga lang nalaman na bading siya, eh. Hindi kasi halata'
Pinaupo nila ako sa isang upuan at pinalibutan na agad ako.
Nang matapos ay pumunta na ako sa harapan kung nasaan ang backround at kung nasaan ang camera.
"Ayos na ba yang suot niya? Wala bang dress code?" Tanong ni Serena.
"Wala basta may suot lang ng sash ng pangalan ng school" sabi ni Maria at binigyan ako ng silver na sash.
Nakasuot ako ng isang puting blouse na may mga ruffles, isang skinny jeans at kulay puting 6 inches stilettos at nakalugay din ang buhok mo. Sinuot ko ang sash saka inayos ang tindig.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...