Kabanata 20Mukbang
"Ten minutes break!" Lindzy announced and I groaned because of tiredness.
My feet now is tired. Dalawang oras naming prinaktis ang sa 7 inches heels na iyon at alas-nuwebe palang yata ngayon.
Umupo ako sa single sofa sa gilid ng inu-upuan nila Devon at umupo naman si Lindzy sa katapat kong single sofa. Tinangal ko ang heels sa paa ko at saka nagsimulang hilutin ulit ang paa ko.
"You're good, Ate! You're pretty and have a nice body. Why don't you win?" Tanong sa akin ni Ysabelle.
"Oh, honey, don't ask. She suck at Question and Answer portion and Talent Portion" sabi ni Lindzy na ikinanguso ko nalang.
'Si Krizia iyon. I don't suck in those categories'
"But you said earlier that she's ready for those" sabi ni Ysabelle.
"I'm learning. Nangako kasi ako sa buong class na ipapanalo ko ang pageant na ito" sabi ko.
Nagulat ako nang biglang lumapit si Devon sa akin at lumuhod sa harap ko. Bago ko pa man siya matanong kung anong gagawin niya ay nilagay niya ang isang throw pillow sa hita ko at siya ang naghilot ng paa ko.
Bahagya akong nailang dahil natahimik ang dalawa at halatang gulat din sa ginawa ni Devon ngayon.
"I-I can do that" sabi ko at akmang babawin ang paa ko.
But he hissed so I don't have a choice to leave it to him.
Napaiktad ako nang biglang narinig ang boses ni Tita mula sa likod ko at kamuntikan nang masipa si Devon.
"Midnight snack, everyone?" Tanong niya.
"Oh, yes please!" sabi ni Ysabelle.
"Okay. Help me girls to make one" sabi ni Tita.
Wala nang sinabi ang dalawa at agad na tumayo saka sumama kay Tita papuntang kusina.
Nang masigurong wala na sa paningin ko silang dalawa ay binalingan ko si Devon na hinihilot ang isa kong paa.
"Tama na. Kaya ko na itong gawin" sabi ko.
"Just let me do it, okay?" Inis na sabi niya at napanguso ako.
"Hindi ka ba nahihiya? Nakita ng kapatid mo 'yong ginawa mo" sabi ko.
"Why would I? You're mine anyway" sabi niya at nanlaki ang mata mo.
"Devon!" Madiin na suway ko sa kanya.
Natigilan siya sa paghihilot ng paa ko saka napatingin sa akin. Nagulat pa ako nang ilapag niya ang paa ko sa hita niya at itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang armrest ng upuan.
"You're the only one who called me with my second name" mahinang sabi niya.
"I-is it not allowed?" Kinakabahang tanong ko.
Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko nang mas lalo niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Tuloy ay ilang pulgada nalang ang agwat ng mukha naming dalawa.
"No, I actually hated it because it sounded like a 'Demon' but when you said it, it sound like a music in my ears" sabi niya at bahagya akong natawa.
"Kaya ko nga gusto kang tawagin na Devon dahil katunog ng 'Demon', eh" natatawang sabi ko.
Pero agad kong natikom ang labi ko ilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya napahawak ako sa balikat niya pero hindi naman siya tinulak.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...