Kabanata 43

163 7 0
                                    


Kabanata 43

Make Your Move



Third Person

"Tommorow? We have classes" sagot ni Max kay Margaux.

"Just chill out, Max. Bonding" sabi naman ni Theonie.

"What time?" Tanong ni Max.

"Around...8 a.m? I guess? It's been ages since I visited a mall. I want to go shopping" maarteng sabi ni Margaux.

"Sure" simpleng sagot ni Max at tumango bago isinukbit ang bag

Naunang maglakad pabalas sila Theonie at Margaux dahil nagmamadali daw sila kaya naiwan sila Aiken at Max na sabay naglakad palabas ng school.

"You've been watching me every seconds, Aiken. May gusto ka ba sa akin?" Pabirong tanong ni Max kay Aiken.

"Sira. I am straight, dude!" sabi ni Aiken at hinampas ang braso ni Max na ikinatawa naman nito.

"No really. Tell me what is it. It's bothering me" sabi ni Max.

Natahimik si Aiken kaya tumaas ang isang kilay ni Max pero hindi na nagsalita.

Kanina pa pinagmamasdan ni Aiken si Max dahil gusto niyang makuha ang reaksyon na gusto niyang makita sa mukha ni Max.

Pero halos isang buong araw ay walang pinagbago ang ekspresyon ng mukha nito, puro seryoso at tahimik lang.

Gusto niyang makuha ang ekspresyon na pagseselos, inis, tuwa, at ang kislap nito sa mata tuwing nakatingin siya kay Krizia.

Kilala niya ang kaibigan niya. Matagal na itong may gusto kay Krizia ngunit torpe lang. At nagkataon namang sa kapatid nito ito nagpakita ng motibo.

Kaya gusto niyang makita ulit ito sa mukha ng kaibigan niya at ngayong ang tunay na Krizia na ang nakakasalamuha nila.

Huminto si Aiken sa paglalakad ng mapunta sila sa bukana ng parking lot. Humarap siya kay Max at malalim na bumuntong hininga.

"What's your problem?" Tanong ni Max.

"Bakit hindi mo pormahan si Krizia? She's there. Make your move" sabi ni Aiken.

Matalim ang mata na nakatingin siya kay Max para tignan ang reaksyon nito.

"She's with Rhed" simpleng sabi ni Max.

"And? Nung nakaraan na tinanong kita ng parehong tanong ay ang sagot mo ay wala kang pakialam. Kahit alam mong may gusto pa rin si Marcux sa kanya" sabi ni Aiken.

Nagulat siya nang biglang dumilim ang mukha nito at umigtig ang panga. Marahas niyang pinilig ang ulo na parang may naalala ngunit pilit niya itong huwag alalahanin.

"Don't say that name in front of me" malamig na sabi nito.

Palihim na ngumisi si Aiken dahil ito ang reaksyon na gusto niyang makuha kanina. Madness.

"Bakit? Come to think of it, hindi ko na nakikita si Marcux. Dati-dati ay tuwing lunch break ay nakatanaw iyon kay Krizia. Bakit hindi na kaya iyon pumapasok?" Inosenteng tanong ni Aiken.

Alam niya ang tungkol dito. Aksidente niyang narinig na nag-uusap sila Chester at Lindzy bago ang pageant.

"I don't know, ask him in jail" sabi nito habang umiigtig ang panga.

"Jail? Why? Nakulong siya, bro?" Inosenteng tanong ulit ni Aiken.

"Damn! Stop asking will you!?" Max bursted out.

Nilagpasan siya nito at ngumisi si Aiken at tinignan ang galit na bulto ni Max na palayo sa kaniya.

"Lapitan mo na si Krizia, Max. Agawin mo kay Rhed. Wala nang sagabal. Hindi na siya nagpapangap" sigaw ni Aiken dahil para mapatigil si Max sa paglalakad.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon