Epilogue

364 21 17
                                    


Max Devon Ruis

"You can go home now, Max. I'll take care of her," sabi ni Krizia nang maabutan ako sa kwarto ni Crisha.

Five months had passed but still no change. She's still in coma while I am currently on summer vacation and nearly graduating.

For the past five months, hindi naging madali ang lahat. Kahit na lahat kami ay malungkot ay sinikap naming magpatuloy sa gawain namin sa araw-araw.

Dahil kinumbinsi namin ang sarili namin na si Crisha na mas malala pa ang pinagdaanan ay nakayanan niya, kami pa kaya na ngayon pa lang nakakaranas ng malaking pagsubok.

Ngunit sa nagdaang araw ay hindi pa natuloy ang pagbabalik nila Tito Brix at Tita Olivia na ikinapagtaka ko.

Katulad nuon, malamig ang pakikitungo ni Chester kay Krizia at ganoon din si Lindzy. Madalas din namang bumisita ang kaibigan nila kay Crisha ngunit mas madalas ako.

Kalat na sa buong social media ang kalagayan ni Crisha ngunit walang nagsabi kung paano iyon nangyari kaya nagtataka ang mga fans ng banda nila.

Ngunit ni isa sa kanila ay walang sumagot para sa privacy ni Crisha.

"Wala kang lakad?" Tanong ko kay Krizia at tumayo mula sa upuan.

"Nah. I'm all free for the day," sabi niya.

"Sure. I'll go to Tito Brix's house. He invited me for lunch. Hindi ka ba kasama?" Tanong ko ulit at umiling siya.

"No. I preferred to be beside at my sister. I'm fine," sabi ni Krizia at lumapit kay Crisha.

Pinanood ko siya hanggang sa makaupo siya sa upuan ko kanina at hinawakan ang kamay ni Crisha.

Krizia changed a lot. She's more soft and caring to her sister and I'm happy with that. Atleast, they've been in good terms.

"Then, I'll leave now," paalam ko.

"Hmm...take care," paalala niya at hindi na ako sumagot.

Kinuha ko ang bag ko at sumulyap kay Crisha bago lumabas ng kwarto niya. Lumabas ako ng hospital at sumakay sa kotse ko bago nagmaneho papunta sa mansion ni Tito Brix.

Nanduon din ang pamilya ko, pamilya ni Lindzy at si Chester kaya wala si Tita Olivia duon ngayon dahil hindi pa rin magkasundo ang dalawa.

Alam na rin naman ng pamilya ko ang nangyari nung nakaraang limang buwan at hindi sila nagalit duon dahil mas naawa sila kay Crisha.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na ako sa mansion ni Tito Brix kaya pumasok na ako sa loob at dumiretso sa living room.

Binati ko ang mga nanduon at umupo sa upuan na nakalaan sa akin bago kami nagsimulang mag-usap-usap habang nakain.

Nagkamustahan kaming lahat at kinuwento kung anong nangyari sa araw naming lahat.

Nang matapos ang tangghalian ay hindi muna kami pinaalis ni Tito Brix.

"I know it's hard but I want to know what happened to my daughter after Chester and she visited Olivia at the hospital months before," sabi ni Tito Brix at kumunot ang noo namin.

"For what?" Tanong ni Lindzy.

"Yeah, for what? You want to know how she attempted suiciding?" Tanong ni Chester na halatang naiinis na.

"I think that is inappropriate, Brix," sabat ni Daddy.

"Yeah," pagsang-ayon pa ng mga matatanda.

Bumuntong hininga si Tito Brix at itinukod ang kamay sa ibabaw ng mesa.

"I know. But that thought keeps bugging me every night. I want to know," sabi ni Tito Brix.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon