Kabanta 33

129 5 0
                                    


Kabanata 33

Not My Krizia


Tumingin ako kay Devon at nakita kong umiigtig ang panga niya at nakakuyom ang kabilang kamao.

"I couldn't sleep, actually. I was just staring at my ceiling blankly when I heard a noise. Sa kabila lang ang unit ko at mismong sa likod ng kusina niya ay kwarto ko. Narinig ko ang boses niyang nanghihingi ng tulong kaya pumunta agad ako dito. Natagalan ako kasi sa bintana ako dumaan" kwento niya.

Tumango ulit ang dalawang pulis at bumaling kay Chester.

"Sa inyo ko nalang po sasabihin ang ibang katanungan" sabi ng pulis.

"Sure. Let's talk outside" sabi ni Chester at umalis silang tatlo.

Nang maka-alis sila ay dumating naman si Lindzy na may dalang noodles at inilapag niya ito sa center table.

"Kumain ka muna" sabi ni Lindzy.

"Wala akong gana at hindi ako gutom" mahinang sabi ko.

"Kumain ka, Krizia. Para may lakas ka naman" sabi ni Lindzy pero umiling ako.

"Eat, Krizia" sabi ni Devon kaya napanguso ako.

Kinuha ko ang noodles at sinimulang kumain. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagngisi si Lindzy na hindi ko pinansin.

"Kaya mo bang pumasok bukas? Paano na iyong pageant?" Tanong niya.

"Papasok ako. Tutuloy ko ang pageant" sabi ko.

"Pero, Krizia--"

"Itutuloy ko iyon, Lindzy" pinal na sabi ko at tumingin na sa kanya.

Bumuntong hininga siya at tumango.

"Fine. Ngayon lang ito" sabi niya na may matalim na tingin sa kanya mata.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Aware ako na pinapanood ni Devon ang bawat kilos ko.

Alam kong awkward dahil nung nakaraang linggo ay iniiwasan ko siya at ngayon ay nasa tabi ko na siya.

Inilapag ko ang noodle ko nang bumalik si Chester sa amin pero wala na ang mga pulis. Siguro ay bumalik na.

"They'll call me for update. Don't worry, I'll put him behind the bars" sabi ni Chester at tumango ako.

"Let's talk" dagdag niya nang hindi ako magsalita.

Tumayo ako at iniwan sila Lindzy duon. Pumunta kami sa terrace at nilock niya ito.

"Promise me that this will end after the pageant" seryosong sabi niya.

Hinigpitan ko ang towel na nakabalot sa akin dahil malamig ang simoy ng hangin. Siguro ay madaling araw na.

"Kailangan kong tapusin na ito kaya promise" sabi ko.

"Ito ang ayaw ko, Crisha. Ang mapahamak ka. Pero worst na ito, eh, muntik ka nang magahasa! That man is crazy" madiin sabi niya.

"Ako na ang bahala. Huwag ka ng mag-aalala. Matatapos na rin ito" sabi ko at ngumiti pa para naman gumaan kahit papaano ang loob niya.

Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin saka niyakap ako. Napangiti ako at niyakap din siya pabalik.

"Nag-aalala ako. Una palang ay hindi na maganda ang kutob ko sa gagong 'yon. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko kung ako ang nakabot sa pangyayaring iyon" sabi niya habang dahan-dahan na hinahaplos ang buhok ko.

"Mabuti nalang at malapit lang sa 'yo si Max. Kahit papaano ay nabawasan ang galit ko sa gagong iyon. Bubugbugin ko din sana pero naawa ako, eh. Sira na ang mukha at wala pang malay" sabi niya at natawa pa.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon