Kabanata 42Mababaw
Third Person
"Any news from Crisha?" Tanong ni Lindzy kay Chester.
Kasalukuyang nasa cafeteria sila at magkakasama silang tatlo nila Lindzy, Chester at Suja. Ang tanging tao na naniniwala kay Crisha.
Naayos na ni Lindzy ang tungkol sa article para hindi ito lumabas ng school. With the help of her Dad, madali niya itong na ayos.
Bumalik sa dati ang buong campus na parang walang Crisha Seraphina na pumasok ng paaralan na ito.
Matapos ang malaking pasabog na iyon ay kinabukasan ay pumasok na nga ang totoong Krizia.
Hindi nila kinibo si Krizia na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya at sa dating kaklase niya.
Hindi naman na nila ito pinagdudahan dahil base lang sa ayos, ugali at pananalita nito ay sapat na itong proweba na siya na ang totoong Krizia.
Iyon ang tanging bagay na hindi nakuha ng maayos ni Crisha. Siguro ay talagang lumabas na iyon ng kusa sa kanya.
"She's doing fine based on Tito Brix told me. Balik na daw siya sa school nila" sabi ni Chester.
Napasulyap si Suja sa maingay na table sa 'di kalayuan sa kanila. Anduon sila Serena, Ivory, Haisley at Krizia habang hindi naman nalalayo ang table nila Max.
Their table is unusually quiet but they don't gave a shit on that. Hindi nila hiningan ng paliwanag si Krizia kaya hindi nila ito papansinin.
"I hope that 'fine' is really fine. Sana hindi nya pinepeke" sabi ni Lindzy at napabuntong hininga.
"She's strong. Hindi naman niya ito sumusuko agad" sabi ni Suja na ikinangiti ni Chester.
"Oo nga. Napaka-matyr na lang" sabi Chester.
Sabay-sabay silang napatawa at pinilig ang ulo.
Sa kabilang dako naman ay masayang nag-uusap ang apat na mukhang marami-raming pinag-uusapan.
"I actually don't know. Her Dad is poor and she kinda blackmailed me" nagpapaawang sabi ni Krizia.
Sa isip-isip nito ay nakangiti siya ng tagumpay dahil sa kanya pa rin ang loob ng kaibigan niya bandang huli.
"Oh! Then she must be a gold digger!" Pabirong sabi ni Serena at natawa silang lahat
Palihim na napangiwi si Haisley duon pero peke rin namang ngumiti sa kanila.
Hindi mapahinga-pahinga ang loob niya dahil pakiramdam niya ay may mali. Hindi niya maitatangi na sa loob ng isang buwan ay nakuha na rin ni Crisha ang loob niya at nasaktan talaga siya ng malamang nagsisinungaling ito.
Gusto niyang kausapin si Crisha ngunit hindi niya alam kung saan niya ito hahanapin.
"Let's go. Baka malate tayo sa class natin" yaya ni Ivory sa kanila.
Tumango ang tatlo at tumayo na rin. Masaya silang maglakad habang palabas ng cafeteria.
"Yeah, we can party everynight, now. I miss partying with you, though" sabi ni Krizia.
"Me too. We can't party that much with your...uh...sister" sabi ni Ivory at ngumiwi pa ng bangitin ang 'sister'.
"Don't mind it, let just say that she's quite--what the fuck?!" Agad na umalingaw-ngaw ang sigaw ni Krizia nang may bumunggo sa kanya.
Agad na tumahimik ang buong cafeteria na mukhang nagulat sa pagsigaw niya at nanginig sa takot ang babaeng nakabunggo sa kanya at natapunan ng orange juice ang kanyang puting blouse.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...