Kabanata 32

122 5 0
                                    


Kabanata 32

Fuck You


"Umalis ka sa condo ko o tatawag ako ng pulis!" Pananakot ko sa kanya pero hindi siya nagsalita.

Dahil hindi siya nakikinig sa akin ay kinuha ko ang cellphone ko at handa ng tawagan si Chester nang mapatili ako dahil mabilis niya akong napakubabawan at mahigpit ang hawak sa magkabilang pulso ko.

Pinilit kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya pero sadyang malakas siya.

'Oh, fuck!'

"Hindi ba sinabi ko sayo na akin ka na?" Parang baliw na tanong niya.

Nakakakilabot ang ngisi sa labi niya at hindi ko maiwasang hindi matakot. Naalala ko ang pananakot niya sa akin sa janitor's room.

"M-marcux" nahihirapang sabi ko dahil sa pagtatangal ng kamay ko sa hawak nya.

Pinag-isa niya ng hawak ang pulsuhan ko at ang isa naman niyang kamay ay naglakbay sa tiyan ko papunta sa puson. Napapikit ako at gusto ko ng umiyak. Wala akong kalaban-laban. Wala akong magawa.

Tinignan ko ang cellphone kong hawak ko pa at nakita kong napindot ko ang emergency call.

Gamit ang isang kamay ay diniinan ko ang number one at ilang sandali pa ay nagring na ito. Tahimik akong nagdadasal na sana gising pa si Chester ngayon at sana matulungan niya ako.

Pero sa saktong sagutin ni Chester ang tawag ay napansin ito ni Marcux na ikinalaki ng mata ko.

"Tulong! Chester, tulong! Tulungan mo ako!" Sigaw ko habang nahihirapan.

Napatili ako nang agawin ni Marcux ang cellphone sa akin at ibato iyon sa pader dahilan para mawasak iyon.

"Wala kang hihingan ng tulong! Wala!" Sigaw niya sa mukha ko kaya napapikit ako.

Gumapang ang kamay niya sa hita ko at tuluyan ng lumabas ang luha ko ng halikan niya muli ako sa leeg.

"T-tama na! Marcux! Tama na!" Umiiyak na sigaw ko habang nagpupumiglas.

Pero hindi siya tumigil at mariin kong naitikom ang hita ko nang maramdaman kong pumupunta ang kamay niya sa pribado ng parte ng aking katawan. Tumigil siya sa paghalik sa leeg ko at galit na tinignan ako sa mata.

Punong-puno ng luha ang aking mata at mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Gusto kong lumaban pero parang katulad nuon, wala akong magawa. Nanghihina ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay wala akong lakas loob.

"Tangina! Huwag ka ng pakipot pa! Bakit ba magmamalinis ka, e, marumi ka rin naman?! Ha?!" Sigaw niya na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"Ano?! Ang sabi ko ay ako na ang boyfriend mo! Pero bakit mo ako nilalayuan?! Ha? Bakit mo ako nilalayuan?!" Galit na sigaw niya at sinampal ako na nagpahikbi sa akin.

'Tama na. Chester. Tulong'

Pinisil niya ang pisngi ko at pilit na pinatingin sa kanya. Kahit nanlalabo ang mata ko dahil sa luha ay kitang-kita ko ang pagnanasa at galit sa kanyang mata.

'Baliw na siya! Baliw na! At natatakot ako sa kaniya!'

"Krizia, hindi ba sabi mo mahal mo ako? Hindi ba? Mahal mo ako diba?" Parang baliw na tanong niya at umiling ako ng umiling.

"Hindi ako si Krizia! Hindi ako ang babaeng mahal mo!" Pinilit kong sigaw sa kanya.

Mas lalong dumilim ang mukha niya at umigtig ang panga.

"Ikaw si Krizia! At dahil sa sinabi mong hindi ako magaling, papatunayan ko iyon sayo ngayon!" Sigaw niya at sinampal ulit ako sa kabila naman.

Humugot ako ng malalim na hininga at kumuha ng lakas saka buong lakas siyang sinipa sa ari niya kaya napabitiw siya sa akin.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon