Kabanata 2

189 5 0
                                    


Kabanata 2

Cousin


Buong lakas kong tinangal ang kamay niya sa pulso ko at tumakbo palayo sa kanya.

"Aish! Still stubborn!" Rinig kong sigaw niya.

Malapit na ako sa footbridge nang may braso na pumulupot sa binti ko at sa isang iglap ay nakasabit na ako sa balikat ng pinsan ko.

"Chester! No! Ayoko!" Sigaw ko habang pinagpapalo ang likod niya.

Pero huli na ang lahat dahil pinasok na niya ako sa van at agad na sumunod sa akin saka sinara ang pinto.

Napabusangot ako habang inaayos ang sarili ko at tinapunan siya ng masamang tingin.

"What? I'm just following orders, Crisha" natatawang sabi niya nang mapansin ang masamang tingin ko sa kanya

"What are you? A dog?" Tanong ko.

"You know your sister, Crisha. What she wants, she will get" sabi niya at napabuntong ko ng malalim.

"Ano na naman kaya ang kailangan nila? Wala pang limang oras na pagkakahiwalay namin ay may gusto na naman siya?" Tanong ko at bumuntong hininga.

"Huh? What? Why?" Tanong ni Chester.

Tamad akong bumaling sa kanya at bumuntong hininga ulit.

"She wants to join my band through pretending to be me" sabi ko at natigilan siya.

Iniwas ko sa kaniya ang paningin ko at bumaling sa driver.

"Alright! One for all! Let's go, Kuya" dagdag ko sa driver at pinaandar na nito ang van.

Habang nasa byahe ay sa labas lang ako nakatingin pero kausap ko pa rin naman si Chester.

"Kamusta ka naman? Tagal kitang hindi nakita, ah? Kailan ka pa nakabalik?" Sunod-sunod kong tanong.

"I'm fine. Last week lang din ako maka-uwi dahil sabi ni Daddy. I'm going to attend college here" sagot niya at napatango ako.

"That's good. Kaya lang hindi tayo magka-school" sabi ko.

"You can attend in our school, Crisha. Kung papayagan mo lang si Tito na sagutin lahat ng kailangan mo" suhestyon niya at napabuntong hininga ako.

"Ayoko. Maayos na ang buhay ko ngayon" sabi ko.

"Yeah. Maayos at sunod-sunuran ka pa rin ng kapatid mo" sarkastikong sabi niya at ngumiwi lang ako.

"Parang ikaw hindi, ah!?" Natatawang kantyaw ko.

"Tss...kamusta naman ang huli mong kita sa Mommy mo?" Pag-iiba niya ng topic at napabaling ako sa kaniya.

"As usual, bangayan ulit tungkol sa gusto ni Krizia. Hindi naman niya ako tatawagan kung hindi dahil kay Krizia" sabi ko at bumuntong hininga.

"You know why your mother treats you like this, right?" Tanong niya at hindi ako umimik bago iniwas ang paningin sa kaniya.

'Ofcourse I know'

Bumuntong hininga siya at humarap sa akin. Pinatingin niya rin ako sa kanya kahit ayaw ko.

"She expected a daughter, Crisha. A daughter. Ayaw niya ng kambal. Kaya nang malaman niyang kambal na babae ang dala niya ay nagalit na siya agad. Kung sino daw ang unang lumabas ay siya ang kukupkopin niya. Habang ang isa ay mananatili kay Tito, sa Daddy mo" sabi niya na tila pinapaintindi sa akin ang rason kahit alam ko naman.

"I know that, you don't have to tell me everything" sabi ko at nag-iwas muli ng tingin.

"I'm just reminding you. You're always upset" sabi niya.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon