Kabanata 6

120 5 0
                                    


Kabanata 6

Excuse



Kinabukasan ay gumising ako ng medyo masakit ang ulo. Matapos akong bigyan ng cold treatment ni Chester pauwi ay natulog agad ako sa condo ko. Alam kong galit siya sa ginawa ko pero gusto ko lang naman magsaya.

Pagbukas ko ng cellphone ko ay nakita ko na agad ang mensahe ng kaibigan ni Krizia at ni Chester.

Nagbigayan kami ng numero kaya pwede na namin makontak ang isa't-isa ngayon.

Serena:

Ang aga niyo umuwi! I didn't have some fun!

Haisley:

Khrisha, whure are u?

She's obviously drunk and I didn't
bother typing a message to the two.

Ivory:

Did you go home safe? Text back when you see this.

Agad akong nagtipa. Siya lang yata ang may alam na umalis kami ni Chester.

Krisha:

Yes. I'm home safe :)

Chester:

Crisha Seraphina Silicious! You're late! Wala ka bang plano pumasok?!

Agad akong napabalikwas ng upo nang makita ang text niya. Tinignan ko ang oras at limang minuto nalang ay start na ang klase!

'Oh, fuck!'

Agad akong nagpunta ng banyo at inayos ang sarili ko. Hindi na ako nakapag-almusal dahil sa pagmamadali ko.

Basta ang ginawa ko ay pagkatapos kong makapagbihis ng kung anong nakita ko ay kinuha ko ang bag ko saka ibang gamit ko at tumakbo pababa.

Habang nasa elevator ay nagme-make-up ako at mabuti nalang ay ako lang mag-isa sa elevator.

Saktong pagbukas ng pintuan ng elevator ay tapos na akong mag-make-up at tanging lipstick nalang ang kulang.

Sumakay ako sa kose ko at binuksan ang aircon saka tinutok sa akin para matuyo ang buhok ko. Habang nagdadrive ay naglagay ako ng lipstick at nagsuklay ng buhok.

Napamura ako nang masulyapan ang relo ko habang sinusuot iyon.

'I'm already twenty minutes late!'

Mabuti na lang ay walang traffic at nakarating agad ako sa school.

Tumakbo ako sa hallway at wala ng pake kung may makakita sa aking teacher o ano. Basta maka_abot pa ako. May naaninag akong babae na tumatakbo rin at nang maabutan ko siya ay natawa ako.

"What the? You're also late, Haisley?!" Natatawang tanong ko habang tumatakbo kami.

Bumaling siya sa akin at natawa rin.

"Yeah. Gosh! I have something to tell you guys later!" Naiiling na sabi niya.

"And I believe that's the reason why you're late" sabi ko.

"Exactly" sabi niya at natawa ako.

Sabay kaming huminto ng nasa tapat na kami ng classroom.

Agad naming inayos ang buhok namin at hinabol ang hininga. Nagkatinginan kaming dalawa. Parang nag-uusap kung sino ang unang papasok.

Tumango ako nang ituro niya ako pero napangisi nang may maisip na kalokohan. Kumatok ako sa pintuan at binuksan iyon saka tinulak papasok si Haisley bago ako nagtago sa pader.

Nagpipigil ako ng tawa nang wala akong marinig mula sa loob bago nagpasya hanggang pumasok sa loob.

Sumeryoso ako at nagkunwaring kakarating lang at nagtatakang tumingin sa lahat na nakatingin kay Haisley.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon