Kabanata 31Almost
Pauwi na lahat ng mga estudyante dahil alas-dos ang uwian ng foundation day. Habang ang mga contestants at ibang kailangan sa pageants ay nanatili para sa rehearsal.
"Since rehearsal lang naman ito, hindi nyo na kailangang magpalit ng damit ninyo" sabi ng organizer sa amin.
Lahat kami ay nasa stage na ginawa ng student council para dito muna kami pansamantalang rarampa.
"Ibibigay namin ang number niyo saka namin kayo aayusin, okay?" Tanong ulit ng oraganizer.
"Okay po!" Sabay-sabay na sagot namin.
Binigyan kami ng number na nakalagay sa pabilog na pin at inilagay naman namin iyon sa left side ng hips namin. Sila Majorie, Maria at Lindzy ay nasa baba ng stage at papanoorin ang pagrampa ko.
Nahati sa dalawa ang pila namin dahil dalawa ang entrance namin. Dahil halos bente kami ay tig-sampo ang bawat pila.
Ang number ko ay 18 ay nasa left side kami nakapila. May mga pamilyar na mukha sa akin pero hindi ko sila kinakausap.
"Okay! Kapag nagsimula na ang tugtog ay stand by kayo ah?" Rinig naming sabi ng organizer na naka-mic.
Ilang sandali pa ay nagsimula na nga ang tugtog at dahan-dahan na umaabante ang pila namin.
Hanggang sa ako na ang susunod na rarampa dahil lumabas na sa kabilang entrance si number 17.
Pinapanood ko siya rumampa at nakaramdam ako ng kaonting kaba dahil ang galing niya. Feeling ko tuloy matatalo ako sa pageant na ito.
Sinenyasan ako ng isang estudyante na lumabas na kaya huminga ako ng malalim.
Nakangiti at taas noo akong rumampa habang sinusundan ang path na tinuturo mg organizer.
May tatlong pwesto kaming hihintuan sa stage. Una ay sa left side at hihinto para mag-pose sunod ay sa right side para mag-pose din saka sa gitna kung nasaan ang mic para magpakilala.
Sinundan ko lang ang mga tinuturo ng organizer at saka nang makarating ako sa gitna ay ihihanda ko na ang sasabihin ko.
"Good day everyone! I am Krizia Maude Reagan representing BS Management!" Puno ng energy na sabi ko saka ngumiti sa bandang huli.
Matapos non ay tumalikod na ako at nakasalubong ko si number 19 na kasalukuyang rumarampa.
Nakita ko namang tinuro ng organizer ang dadaanan ko pabalik. Dirediretso lang ang lakad ko at pinahinto ako sa gitna para daw mag-pose kaya ginawa ko ang sinabi niya.
Matapos ay nagpatuloy ako sa paglalakad at humilera sa mga contestant na nasa gitna.
Ginaya ko ang pose nilang naka-side view ang tayo at nilagay ko ang isang kamay ko sa bewang ko habang taas noong nakatingin sa kunwaring audience na binubuo ko sa imahinasyon ko.
Nang matapos na ang pagrampa namin para sa introduction daw ay nilapitan kami ng organizer.
"After that, isa-isa kayong mage-exit sa left side at magpapalit para sa sport attire" sabi ng organizer.
"Okay, number one, ikaw ang mauna tapos isa-isa niyong sundan" dagdag ng organizer at ganoon nga ang ginawa namin.
Nang makapunta kami sa backstage ay bumalik kami sa kaninang pila namin bago kami magsimulang rumampa.
"Okay! Imagine that you've just finished changing your clothes to sport attires. Now, I want to see what you will actually do in the pageant. Huwag niyong isipin na rehearsal ito. Gusto kong isipin ninyong nasa totoong pageant na tayo. I want to see the energy!" sabi ng organizer mula sa mic.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...