Kabanata 47

163 8 0
                                    


Kabanata 47

Meet Again


Third Person's POV

"Why do we need to go?!" Reklamo ni Ysabelle sa kanyang magulang.

"I want to stay in my condo too" malamig na sabi ni Max habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"My friend's daughter is kinda anti-social so maybe you can talk to her, and Ysabelle, no one will watch you in the house so you need to come" sabi ng kanilang ina, Kaliya.

"I'm not interested with the girl, Mom. I already have someone I like" Walang emosyon na sabi ni Max na ikinangisi ng kaniyang mga magulang.

"Yeah, we knew that, son. But a little help won't hurt, right?" Tanong ng kaniyang ama, si Christian.

Napabuntong hininga si Max na senyales na sumuko na siya at nag-iwas ng tingin sa kaniyang mga magulang.

"I won't promise I'll stay for long" sabi niya at hindi na umangal ang mga magulang niya.

"And you're coming whether you like it or not" sabi ni Kaliya sa kanyang bunsong anak na ngumuso nalang dahil wala ng nagawa.

Lumabas sila sa bahay nila at sumakay ang magasawa at si Ysabelle sa kotse ng kanilang ama habang sumakay naman si Devon sa kotse niya

Nagconvoy silang dalawa papunta sa bahay kung saan daw may party ng kaibigan ng magulang niya.

Isa daw itong despidida party para sa isang kaibigan din nila at duon dadaluhin sa bahay ng kaniyang kaibigan

Hindi nagtagal ay nakarating sila sa may kalakihang mansion na mukhang mayaman din ang may-ari. Modern na modern ang exterior nito at hindi maitatanging maganda rin ito.

Nang makaparada sila ay lumabas na sila ng kotse nila at sabay sabay silang pumasok sa loob.

Sinalubong sila ng isang maid na naghatid sa kanila sa living room kung nasaan ang kaibigan ng kanilang magulang.

"I don't understand. It's a oldies party, why are we here?" Pabulong na reklamo ni Ysabelle sa kaniyang kapatid na hindi ito pinansin.

Napukaw ng mata nya ang isang picture frame na nakasabit sa isang dingding. Nanduon ang isang lalaki na nakangiti habang naka hawak sa sandalan ng upuan ng babae na nakangiti ng malaki na nakatingin sa camera.

Mukhang sila ang nakatira sa mansion na ito at matagal na itong nakuha dahil bata pa dito ang batang babae.

"Ah! Brix!" Nabalik ang atensyon niya sa magulang niya nang marinig nya itong magsalita.

May nakangiting lalaki na sumalubong sa magulang niya at niyakap ito.

"Are we late?" Tanong ng kanyang ama sa lalaki.

"No, sakto lang. Nanduon na sa pool side ang iba" sabi ng lalaki.

Napabaling ang lalaki sa kanila at nagtama ang paningin nilang dalawa ng lalaki. Pamilyar ito sa kanya at hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.

Nawala ang ngiti nito sa labi nang magtama ang paningin nila ngunit agad rin naman nitong binalik ang ngiti.

"Ah! Eto nga pala ang mga anak ko, Max Devon and Ysabelle" pakilala ng kanilang ina sa kanila.

"You have a two gorgeous children, Kaliya. Manang-mana sa inyong dalawa" sabi ng lalaki at tumawa.

"Sinama namin sila dito dahil nabanggit mong may pagka-anti social ang anak mong babae. So, we're wondering if they can help your daughter" sabi ni Christian at bahagyang natigilan si Brix.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon