Kabanata 35

139 6 0
                                    


Kabanata 35

Pageant



Pinilit kong kalamahin ang sarili ko habang nagsisimula na ang pageant. Ang cool dahil ang serious ng pageant na ito. Parang akala mo ay Ms. Universe na ang laban. Huminga ako ng malalim ng makitang lumabas na si candidate number 17.

'Shit! Ako na ang next!'

"Mabuhay, Olivians! My name is Pierce Laurent DeSilva representing Architecture!" Pakilala ni Candidate number 17.

Sinenyasan nila akong lumabas na kaya taas noo akong naglakad palabas.

Maria ain't lying when they said we have the loudest audience impact because I feel like I am deaf with their screams.

Mas lalo tuloy akong naging confident at nawala ang kaba na nararadaman ko kanina at malawak ang ngiti na rumarampa.

Lahat ng tinuro sa akin ni Lindzy nung nakaraang linggo ay ginawa ko lalo sa na mga poses.

Gaya ng sa rehearsal, huminto ako sa right side para magpose saka lumipat sa left side at nagpose din saka nagpunta sa gitna para magpakilala.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng bigla silang tumahimik dahil sa pagpapakilala ko.

"Good afternoon, Olivians! I am Krizia Maude Reagan, representing BS Managememt!" Pasigaw na pakilala ko.

Pagkatapos ng pagpapakilala ay bumalik ang ingay kaya napangiti ako.

Maraming estudyante ngayon at talagang punong-puno ang quadrangle. May nakita pa nga ako sa gilid ng building at nakasabit para lang makita ang pageant.

Bago ako tumalikod ay nahagip ko ang mga kaklase ko sa likod ng mga judge at panay ang cheer sa akin kaya napangiti ako lalo.

Nakasalubong ko si number 19 pabalik pero hindi nabura ang ngiti sa labi ko hanggang sa pumuwesto kami sa gitna.

Ilang sandali pa ay natapos na ang pagrampa para sa introduction at pinabalik kami sa backstage para magpalit.

"Oha? Ang taray ng mga candidates natin! Ang gaganda at palaban! I guess this year will be an amazing fight" sabi ng lalaking emcee.

"Yeah, Evans! And the audience impact! Gosh! They are so hyper and energetic!" sabi naman ng babaeng emcee.

Hindi ko na napakinggan pa ang susunod dahil tumakbo na kami papuntang dressing room. Kailangan naming magmadali dahil kaonting oras lang ang binigay sa amin.

Inuna ko munang magbihis. Sports attire na kami ngayon. Nakasuot ako ng isang black cycling shorts at kulay pink na stripe t-shirt.

May nakalagay na Reagan sa likod at number 20 habang sa harap naman ay nakalagay ang logo ng Olivine University sa right side ng chest.

Matapos nito ay sinuotan ako nila Majorie ng isang white rubber shoes habang si Maria ay nilagyan ako ng headband na pang-sport sa noo at inayos ang buhok ko at si Rexor naman ay pinapalitan ang make-up ko.

"Good job, Krizia. Great start" sabi ni Maria habang inaayusan ako.

Pinigilan kong ngumiti dahil nilalagayan ni Rexor ang labi ko ng lipstick. Ilang sandali pa ay natapos nila akong ayusan at tinignan ko saglit ang sarili ko sa full length mirror.

Maikli ang cycling shorts at sakto lang naman ang t-shirt ko. May light make-up ako ngayon at pinasuot din nila ako ng wristband. Naka-high ponytail ang buhok ko at straight na straight.

Binalik namin 'yong number sa bewang ko at nilast check naman ako ni Rexor.

"Ladies! Line up!" sabi ng staff.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon