Kabanata 29

115 4 0
                                    


Kabanata 29

Pride



"Wala kang alam, gago! Wala kang karapatan na pagsabihan siya ng ganyan dahil hindi mo alam ang lahat! Tanga! Uto-uto!" Nanggagalaiting sabi ni Chester kay Rhed.

"Anong hindi alam? Alam ko ang lahat! Sinabi sa akin ng totoong Krizia!" Sabi niya saka bumaling sa akin

"Ikaw, tigilan mo na ang kahibangan mo. Tigilan mo na ito at lumayas ka sa buhay namin! Nananhimik kami pero gunugulo mo kami!" Akusa niya na puno ng disgusto sa mukha.

Niyugyog siya ni Chester dahilan para mapabaling siya kay Chester. Walang makakahigit sa galit ni Chester ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang galit na ganyan.

"Wala kang alam, tanga! Naniniwala ka agad! Palibhasa ay bulag ka sa pagmamahal sa kambal niya! Tanga!" Sigaw ni Chester.

"Isa lang ang paniniwalaan ko at iyon ang totoong Krizia. Hinding hindi ako makakapayag na utusan ako ng impostorang iyan" sabi ni Rhed sabay turo sa akin.

Inangat ni Chester ang kamao niya at bago niya pa iyon masuntok kay Rhed at agad ko na siyang hinila palayo sa kanya.

"Crisha!" Galit na tawag niya sa akin dahil sa ginawa ko.

Hindi ko sya pinansin at matapang na sinalubong ang tingin ni Rhed.

"Huwag kang mag-alala. Patapusin mo ang pageant at makaka-asa ka, ititigil ko na ang kahibangan niya at lalayas na ako sa mundo ninyo" sarkastikong sabi ko at ngumiti pa ng matamis.

Nakita ko ang pagkalito sa mata niya pero hinatak ko na si Chester palabas para pumuntang cafeteria.

"Hindi pwedeng ganoon nalang, Crisha. Isang sapak lang at okay na ako" galit na bulong niya habang naglalakad kami.

"Hindi pwede. Kapag nakita iyon ni Krizia ay magagalit iyon" sabi ko at naramdaman kong humigpit ang pagkapit niya sa kamay ko dahil magkahawak kamay kami.

"Bakit ba alalang-alala ka sa kapatid mong iyan? Hindi mo ba nakita? Trinatraydor ka na niya!" Inis na bulong niya.

"Alam ko at alam ko ang ginagawa ko kaya hayaan mo ako" sabi ko.

Hindi na siya nakaimik hanggang sa makapasok kami ng cafeteria.

Tahimik kaming umupo sa table nila. Naramdaman kong gusto nilang mang-usisa pero nang mapansin kaming tahimik ay hindi na sila nagtangka pa.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Krizia. Hindi ko rin alam kung bakit nagawa niya akong siraan kay Rhed.

Mahal nga ni Rhed si Krizia at siya lang ang pinapaniwalaan nito. Ang unfair dahil walang kahirap-hirap niyang nasiraan ako sa taong mahal niya habang ako naman ay patong-patong na ang problema.

She would probably laughing while imagining what's happening to me right now. She must be happy that I've been suffering into this.

Kung hindi lang ako matatag ay baka matagal na akong nilamon ng depression at anxienty. Sa tagal ng paghihirap ko.

'Ginawa ko ang lahat ng gusto niya at ito ang makukuha ko kapalit? Ha! Nakakatawa!'

Sana nakinig nalang ako kay Chester nung una palang. Sana nakinig nalang ako kay Daddy.

"Crisha" nagulat ako nang biglang hawakan ni Chester ang kamay ko.

Duon lang ako natauhan at nagulat ako ng mapipi na ang hawak kong walang laman na water bottle.

Duon ko lang din napansin na mabilis ang paghinga ko at wala na ang tatlong kaibigan ni Krizia sa paligid namin.

Agad kong nabitawan ang water bottle na parang napaso at mabigat na napabuntong hininga. Itinukod ko ang siko ko sa lamesa at napatakip ng mata.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon