Kabanata 38Damn
"Where's Krizia?" Tanong ko sa maid.
Sinadya kong maagang gumising para gawin ang plano ko.
Ito na iyon. Itong araw na iyon. Kailangan kong gawin ang plano ko para hindi na ako magsinungaling sa kanila. Para matigilan na ang kahibangan na ito.
Ngayon ay nasa mansion na ako nila Mom at alam kong walang pasok si Krizia dahil kakatapos lang ng foundation day sa kanila. Pagkatapos kasi ng foundation ay nagkakaroon ng one day off.
"U-uh...nasa living room po, Ma'am" kinakabahang sabi niya.
Tumango ako at naglakad papuntang living room. Nakita ko nga duon sila Krizia at Mommy na nag-uusap pero natigilan nang makita ako.
"What brings you here?!" Galit na tanong ni Mommy.
Huminga ako ng malalim bago sinalubong ang tingin nila.
"I want to talk to Krizia" sabi ko sabay baling kay Krizia.
"What?! What do you want?!" Angil niya na ikinagulat ko.
Mabilis akong nakabawi at muling humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko.
"Ayoko na, Krizia. Tigilan na natin itong kalokohan na ito" walang emosyon na sabi ko.
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng sarkastiko bago ako pinukol ng masamang tingin.
"Ha! Sinasabi mo iyan dahil nakuha mo na ang loob ng kaibigan ko! Ano nalang ang sasabihin nila kapag nalaman nila ito?! Ha? Sisisihin nila ako! Ang sabi ko lang ay magpanggap kang ako at hindi mapalapit sa mga kaibigan ko! And worst is inakit mo pa si Max! Si Max Devon Ruis!" Sigaw niya.
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit bago ako sumagot sa mga reklamo niya. Hindi pwede ganito. Hindi pwedeng parating ako ang talunan.
"Ang unfair mo, Krizia! Ikaw ay ninakaw mo na ang kaibigan ko tapos kailangan ako ay bawal mapalapit sa kaibigan mo?! Tingin mo paano ako aarte kung hindi ko sila pinapansin?! Ha? I just did you a favor!" Sigaw ko rin na ikinagulat nila.
"And now you're talking back! Kailan ka pang natutong sumagot, ha?! All you need to do is to agree with me! Wala kang ibang gagawin kundi sumang-ayon!" Angil niya at umismid ako.
"No! I've learned my fucking lesson! Malinaw ang usapan natin, Krizia! Magpapangap tayo bilang isa't-isa para makuha mo ang gusto mo! Pero bakit mo ako siniraan kay Rhed?! Sa katunayan ay kailangan mo ngang magpasalamat sa akin dahil napalapit kayo ng crush mo!" Galit na sigaw ko rin pero tumawa siya.
"I will do whatever I want! At wala akong pake kung anong kakalabasan non sa 'yo! As long as I am happy, i'll do it!" sabi niya na may ngisi sa labi.
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya.
'Yeah, you don't care even when I almost got rape by your crazy ex!'
"Tumigil ka, Crisha! Wala kang magandang dulot sa pamamahay na ito kundi sakit sa ulo!" Sabat ni Mommy na parang punyal na tumama sa puso ko.
"Ayoko! Titigilan ko na ang kahibangan na ito at gusto kong bumalik sa dati! Pagod na pagod na akong magsinungaling sa kanila! Ayoko na! Tigilan mo na ito!" sabi ko pero ngumisi si Krizia.
Tumayo siya mula sa upuan niya at dahan-dahang naglakad papunta sa akin.
"What? You'll tell them the truth? You'll tell them that this is my idea? Oh dear, they won't believe you" sabi niya na ikinatigil ko.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...