Kabanata 21

116 7 0
                                    


Kabanata 21

Exemption


"Sige, bukas ulit, ah?" sabi ni Lindzy sa akin.

"Hmm...diretso na tayo dito sa inyo pag-uwi" sabi ko sa kanya.

"Bye! Ingat kayo. Goodnight" paalam niya at niyakap ako.

"Goodnight" paalam ko rin.

Humiwalay kami sa isa't-isa at sumakay na sa kotse ko. Ganoon din si Devon habang ang pamilya niya ay nauna na kanina.

Bumusina pa ako ng dalawang beses bago pinaandar ang sasakyan. Napatingin ako sa rear mirror ko at nakita ko ang kotse ni Devon na nakasunod sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip ulit ang pinag-usapan namin ng magulang niya kanina.

~

"Uhm...hindi po ako mangangako dahil ayokong bumali ng pangako. Hindi ko po alam kung anong mangyayari sa susunod na araw. Pero gagawin ko po ang lahat, para lang hindi siya masaktan" sabi ko at pilit na ngumiti.

Ngumiti rin sila sa akin matapos kong sabihin iyon. Hindi ko maiwasang hindi maingit kay Krizia. Ang daming nagmamahal sa kanya.

Si Mommy na ibibigay lahat ng gusto niya. Si Devon na matagal nang may gusto sa kaniya. Si Marcux na ex niya at mahal pa rin siya. Si Rhed na gumagawa na ng hakbang para maging sila.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait sa isip ko.

'Bakit hindi ako binigyan ng magandang tadhana? Bakit sa akin napunta ang ganitong buhay?'

"Hija" pagtawag sa akin ni Tita Kaliya kaya napatingin ako sa kanila.

"Po?" Tanong ko.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin na para bang pinag-aaralan ang mukha ko.

"May kamukha ka ba? Kambal?" Tanong ni Tita Kaliya na ikinatigil ko pero hindi ko pinahalata.

"Kambal? None po. I'm the only child" pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba? May kamukha ka kasing nakita namin" sabi niya at tumawa ako.

'Of course. The girl you met was me. We're the same person'

"Talaga po? Saan po? Gusto ko po siyang makilala" sabi ko habang may pekeng ngiti sa labi.

"Sa bahay ng kaibigan namin. Anak niya. Nung tinanong nga rin namin siya ay sabi niya wala siyang kambal. Baka nga sadyang magkamukha lang kayo" sabi ni Tita Kaliya.

"Pero magkaibang-magkaiba kayo. Simple lang at walang arte iyon sa pananamit. I mean, hindi ka naman maarte manamit pero hindi mahahalatang mayaman siya. Walang kolorete sa mukhaat may pagka-anti-social siya. Ikaw naman ay pang model ang mga suotan at may confidence ka sa sarili mo. Mabilis kang makihalubilo at tingin ko ay hindi ka mahiyain" sabi ni Tito Christian.

'Ganoon na ba talaga kagaling ang pagpapangap ko at nakuha nilang i-
diffirentiate ang sarili ko sa sarili ko?'

"I guess she's a shy type po" sabi ko at tumango sila.

"Siguro" sabi ni Tito Christian.

"Pero kung papapiliin kami sa inyong dalawa, ikaw pa rin ang pipiliin namin para sa anak namin" sabi ni Tita Kaliya.

~

Kanina pa mabigat ang kalooban ko at hindi pa rin maalis ang kirot na nararamdam ko aa dibdib ko.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon