Kabanata 12

112 4 0
                                    


Kabanata 12

Ruis Family






"Hindi kita boyfriend o tatay para utusan ako. I have my freedom and I'll chose what I want. Hindi iyong dinidiktahan ako. Ano ba kita para utusan mo ako ng ganyan? Don't act like a jealous boyfriend because you're not and you're nothing to me" malamig at mahabang sabi ko.

Nakita kong natigilan siya dahil duon. Umirap muna ako bago ko siya nilampasan. Nang nakasakay at sumarado ang elevator ay saka lang ako nakahinga.

Duon ko lang napansin na kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko. Hindi ko alam kung bakit siya ganon kung makasalita. He's a jerk. I hate him.

"I have my freedom and I'll chose what I want. Hindi iyong dinidiktahan ako."

Halos mapaismid ako nang maalala ko ang sinabi ko kanina sa kanya.

'Yeah right. Freedom my foot. Hindi mo nga matangihan sila Mommy'

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at mabuti nalang ay nakarating na ako sa baba. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar iyon papunta kila Daddy.

Halos dalawang buwan din akong hindi nakapunta dito kila Daddy kaya namimiss ko na tumuloy dito. Nagparada ako ng sasakyan at binuksan ang pintuan. Agad akong sinalubong ng maid at binati ako.

"Nasaan si Daddy?" Tanong ko.

"Nasa pool area po, Young Lady. Nanduon po ang Tito at Tita ninyo at nagba-barbeque sila" sabi niya.

Tumango ako at nagpasalamat. Nagpunta ako sa pool area at narinig ko agad ang tawanan ng matatanda habang papalapit ako.

"Daddy" bungad ko ng makita ko si Daddy.

Nabaling sa akin ang atensyon nila at agad na tumayo si Daddy at lumapit sa akin para humalik sa pisngi ko.

"You're here. Come. I have someone to introduce to you" sabi ni Daddy.

Pumunta kami sa gilid at nakita ko ang isang grupo duon na may hindi pamilyar na couple.

"Kumare! Here's my lovely daughter. Crisha Seraphina Silicious" pakilala sa akin ni Daddy sa mag-asawa

Napabaling sila sa akin at bahagyang natigilan.

"Crisha Seraphina?" Tanong ng lalaki.

"Yeah. I named her that. Beautiful name, isn't it?" Nakangising tanong ni Daddy.

"Y-yeah. Beautiful indeed" sabi ng babae kaya napayuko ako bahagya sa hiya.

"Crisha, they are my kumare and kumpare. Kaliya Ruis and Christian Ruis. And they have a son named Max Devon Ruis and a daughter named Ysabelle Ruis" sabi ni Dad.

Natigilan ako nang sabihin iyon ni Daddy. Tinignan ko silang tatlo at hindi nga mapagkakaila ang pag kahawig ni Devon sa tatay niya.

'Ruis? And son? Devon? What a big coincidence?'

"Nice to meet you po" sabi ko at pinilit na ngumiti.

"You're beautiful, iha. Parang nakita na kita dati" sabi ni Mr. Ruis.

"Uhm, may banda po kami na nag-gi-gig sa iba't-ibang lugar. Baka nakita niyo po ako duon or sa internet. Medyo po kasi sikat 'yong banda namin" sabi ko.

"Ah...that explains. Anyway, kilala mo ba si Krizia Maude?" Tanong ni Mrs. Ruis at natigilan ako.

'Bakit niya kilala ang kapatid ko?'

Bago pa ako makasagot ay narinig ko na ang halakhak ni Daddy kaya pinilit kong ngumiti.

"May pagka-anti social ang anak ko, Christian. Baka hindi iyon kilala ang anak ko" pagsisinungaling ni Daddy.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon