Kabanata 19Practice
"Chin up, Crish! Chin up!" sabi ni Lindzy sa akin habang naglalakad ko.
Bumuntong hinininga ako saka tumingin sa kanya.
"I can't. Baka madapa ako" nakangusong angal ko.
"That's okay. Kaya nga nagpra-practice tayo, eh!" sabi niya.
Kasalukuyang nasa bahay kami ngayon nila Lindzy at tapos na ang klase. Katulad kahapon, hindi ako pinansin ni Chester buong maghapon at wala na akong magawa duon.
Nagpanggap nalang ako na walang problema kahit na kanina ko pa rin nakikita si Devon na nakatingin sa akin.
Pilit kong pinalabas na walang ibang nangayari at tagumpay ako. Ngayon naman ay nagpra-practice na kami ni Lindzy para sa pageant. Ngayon daw ay tuturuan niya akong magsuot ng matataas na heels.
Kaya ko naman ang 6 inches heels pero natatapilok pa rin. Pero ngayon ay ang suot ko ay 7 inches na mukhang 8 inches sa akin.
Kinakabahan ako kasi baka kapag natapilok ako ay mai-sprain ko ang paa ko.
"Come on! Just do a normal walk. Saka na natin i-practice ang mukha" sabi ni Lindzy.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa dulo ng living room dahil dito nakuhang mag-practice ni Lindzy. Malawak kasi ang living room nila.
"Okay, chin up, walk proudly, and don't mind the others" sabi niya.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad. Tahimik akong nanalangin na habang naglalakad ay hindi ako matapilok. Hindi rin maiwasan ang pagka-stiff ng katawan ko at ang kamay kong nasa ere na handa na pangsuporta para kapag natumba ako.
Pero hanggang sa matawid ko ang kabilang dulo ng living room ay hindi ako natapilok kaya nakahinga ako ng maluwag.
"See? Just be confident, Crish. Unti-untiin natin. Next is to let your body loose. Masyado kang stiff" sabi niya at dinemonstrate pa.
Shinake ko ang pareho kong braso saka huminga ng malalim at tumango sa kanya.
"Good. Try it" utos niya.
Naglakad ulit ako ngayon naman ay hinayaan ko ang kamay kong nakalaylay sa gilid ng katawan ko na sumasabay habang lumalakad ako.
"Very good!" Puri ni Lindzy nang makarating ako sa kabilang dulo at pumalakpak pa.
"Now try the cat walk while smiling. Sway your arms a little more but in a smooth motion, okay? Chin up lang palagi" paalala niya ngunit kumunot ang noo ko.
"Cat walk? Paano 'yon?" Nagtatakang tanong ko.
'Maglalakad ako ng gamit tuhod at dalawang kamay? May ganoon ba sa pageant?'
"Seriously? Hindi mo alam ang cat walk?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Lindzy.
Nakanguso naman akong umiling. I really don't know what cat walk is. 'Yong mga pinanood ko namang video na tungkol sa mga pageant ay walang babaeng naglalakad na parang pusa.
"Oh god. Saang planeta ka ba galing?" Natatawang tanong niya.
Mas lalong humaba ang nguso ko at napa-iwas ng tingin. I don't know what it is because I do not have interest in these things.
"Let me show you how the cat walk is done" sabi niya at tumabi sa akin.
"Watch closely, huh? Pay attention in every details of my movement" dagdag niya at tumango ako.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...