Kabanata 55Coma
Third Person
Dalawang linggo matapos ang aksidenteng nangyari sa birthday ng kambal, kumalma ang lahat ngunit hindi pa rin nawawala ang pag-aalala nila para kay Crisha.
Nabalita na sa buong Olivine University ang nangyari nung gabing iyon at ang dahilan ng lahat.
Araw-araw ay may bumibisita sa kwarto ni Crisha at may dinadalang bulaklak at pagkain saka hihingi ng sorry.
Pinaalam na rin ng magulang nila ang plano nilang dalawa at hindi na tumutol si Krizia. Gusto rin niyang mabuo ang pamilya nila at makabawi sa kanyang kambal
Nauwi sa coma si Crisha kaya hindi rin nawalan ng bisita sa loob ng kwarto ni Crisha.
Malamig ang pakikitungo ni Chester kay Krizia na hindi niya ikinaangal, tanggap niya ito dahil aminado siyang may kasalanan siya.
Palagi ring binibisita ng mga kaibigan nila si Crisha at dinadalhan ng bulaklak. Pero ang mas nanatili sa tabi ni Crisha ay si Max at ang mga magulang nila.
Nalaman na rin ng pamilya ni Max ang lahat at hindi ito nagalit sa kanya, imbis ay naawa sila dahil sa nalaman nilang pinagdaanan ni Crisha.
Katulad ng bawat araw, matapos ng klase ni Krizia ay bumili siya ng roses bago pumunta ng hospital.
Pagkarating niya sa kwarto ni Crisha ay hindi na siya nagulat nang makita niya si Max na nasa tabi nito at hawak ang kamay.
Araw-araw ay mas nauuna si Max papunta sa hospital kahit magkaklase lang sila.
Napangiti si Krizia bago lumapit sa side table at pinalitan ang rose na dala niya kahapon na nakalagay sa vase.Dito niya napatunayan na mahal talaga nito ang kambal niya at hindi niya na ito maagaw sa kanya.
Kumuha siya ng peras mula sa basket na nasa lamesa saka umupo sa sofa at pinagmasdan ang dalawa.
May mga aparatong nakalagay sa katawan ni Crisha habang nasa gilid lang si Max at hawak-hawak ang kamay ni Crisha at patuloy itong hinahaplos.
"You really love her, do you?" Pagbasag ni Krizia sa katahimikan.
"I do" sabi ni Max nang hindi tumitingin sa kanya.
Bumuntong hininga siya bago pinag-krus ang hita at patuloy na pinagmasdan ang dalawa.
"Bali-balitang may gusto ka sa akin nuon, aminin mo, nagustuhan mo ba siya sa isang buwan na pagpapanggap niya?" Tanong ni Krizia.
"Yes, I did liked you before. I admire you from afar for years but was afraid to approach you. I knew almost all about you that's why I was confused at the time when she was pretending to be you" walang pag-aalinlangang sabi ni Max at huminga ng malalim
"Nanibago ako, oo, dahil kilala ka sa pagiging mataray at walang puso. But she was the total opposite of you. I proved that a lot when I dated you, and you were right, that was not the first time I date a girl. I just want to confirm things and yeah, I did fall in love with her in a month" paliwanag ni Max.
Napangiti si Krizia nang marinig iyon.
"Then be thankful that you didn't confessed to me" sabi ni Krizia.
"I'm really thankful" sabi ni Max.
"You know what? I really envy her" pag-amin ni Krizia.
Tumaas ang isang kilay ni Max ngunit hindi ito lumingon sa dalaga. Dahil natatakot siya na baka kapag nilihis niya ang paningin niya ay biglang bumukas ang mata ni Crisha. Ang gusto niya ay siya ang unang makita nito kapag dinilat niya ang mata niya.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...