Kabanata 11Bossy
"What is the problem of that girl?" Naiinis na tanong ni Serena habang papunta kami ng locker area.
Hindi pa maalis sa utak nila ang pinagsasabi ni Margaux sa akin. Sa akin din naman, eh, hindi ko pa makalimutan.
Hindi ko alam kung anong problema niya sa akin at wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
"She's crazy," Naiiling na sabi ni Ivory.
"Kaya nga. May sapak yata sa utak. May pa-be-my-guest, be-my-guest pa!" sabi ni Haisley.
Hindi nalang ako umimik at inayos ang locker ko. Medyo malayo ang locker ng tatlo sa amin kaya kinausap ako ni Chester
"What happened? Bakit ka pinapatawag ng dean. Did you violate any rules?" Bulong niya sa akin at umiling ako.
"No. The dean is my Dad's brother-in-law. So he's my Tito. Nagpunta si Dad dito kanina" sabi ko.
"Oh. Akala ko naman kung ano na" sabi niya at medyo natawa ako.
"Kinabahan nga din ako kanina, eh. Akala ko papagalitan ako" sabi ko.
Ngumisi lang siya at sinara ang locker niya.
"Krizia!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ng kambal ko.
Nakita ko si Rhed na tumatakbo papunta sa amin at nabunggo niya pa ang balikat ni Devon na tahimik na naglalakad at matalim ang tingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin at binaling ang paningin kay Rhed.
"Yes, Rhed?" Bungad ko sabay ngiti ng peke.
'Bakit ba nagustuhan ito ni Krizia? He's so hyper. Parang hindi nawawalan ng energy.'
"Hi" Bati niya ng makahinto sa harap ko at naghabol ng hininga.
"Do you need something?" Tanong ko.
"Uh, I just want to ask you if you want to go to the coffee before going home? I mean, hindi ako makapag-antay bukas, eh" sabi niya sabay nahihiyang kamot sa batok.
'Oh. Gusto rin ba nito si Krizia? Then their feeling is mutual.'
"Oh. I'm sorry. I have things to do. Let's just meet tommorow after lunch outside my condo" sabi ko.
Bumagsak ang balikat niya at sumimangot na para bang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Let her be, Rhed. Masosolo mo naman siya bukas, eh" sabat ng nakangising si Serena na nasa likod ko.
"Galit ka pa rin ba?" Tanong ni Rhed at kumunot ang noo ko.
"Huh?" Tanong ko.
"Galit ka pa rin ba? Kasi sabi ko three years akong mawawala? Sorry, gusto ko lang naman na supresahin ka, eh" sabi niya.
'Iyon ba iyong sabi ni Krizia kagabi? Well, yes naggalit si Krizia pero hindi ako ang magsasabi nito sa kanya'
"U-uh, no. It's just I'm tired" sabi ko at nagkunwaring pagod na ngumiti.
Dahan-dahan siyang tumango at bumuntong hininga.
"I'll see you tommorow" sabi niya.
"See you" sabi ko at umalis na siya.
Pinanood ko siyang umalis at saka ko hinarap sila Serena.
"He's sad" kumento ni Haisley na tinanguan ng dalawa.
Nawala ang tingin ko sa kanila nang may umakbay sa akin na galing kay Chester.
"Mauna na kami, girls. We have something to do" sabi ni Chester at kumunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...