Kabanata 14Threaten
Sa sumunod na horror movie ay hindi ko na magawang tumili sa takot. Nagtatago nalang ako at impit ang mga tili.
Bawat pagkatapos ng movie ay may ten minutes break kami para kumain pero hindi pa man natatapos ang mga movies ay ubos na sa pangatlong movie ang pagkain at dessert namin.
Magtatakip silim na nang matapos kaming manood ng limang movie at nagtatalo ang lahat kung sino ang aalis at mananatili sa condo.
"Kayong boys ang bumili dahil mukhang mas mature kayo. Or kumuha nalang kayo sa bar ni Walter at kayo ang magbuhat dahil mabigat iyon" utos ni Serena.
"At kayo? Anong gagawin niyo dito?" Angal ni Jared.
"Aayusin naming girls ang mga hihigaan natin mamayang gabi. Maiiwan si Max para may magbubuhat ng mabibigat na bagay" sabi ni Ivory.
"Edi sumama rin sila Krizia at Haisley! Kaya niyo naman na siguro ng apat kayo" sabi ni Rex pero umiling silang tatlo.
"No. Maiiwan si Krizia dahil siya ang may ari ng condo at siya ang magsasabi kung alin lang ang gagalawin. Kami naman ni Haisley at mag-huhugas ng pinaglagyan ng pagkain at sila Max at Ivory ay tutulungan si Krizia" Paliwanag ni Serena sabay baling kay Margaux na tahimik lang na naka-upo.
"Margaux, ikaw ang sumama sa kanila" sabi ni Serena at umawang ang labi ni Margaux.
"What?! No! I won't leave Max here with these...girls!" Agad na angal niya at may matalim na tingin sa amin.
"Oh come on! Wala kaming gagawin sa Max mo, Margaux. At isa pa, hindi siya ang dahilan para magpapa-iwan kaming tatlo!" Mataray na sabi ni Serena.
Tumaas din ang isang kilay ni Margaux at tumayo na.
"And that is?" Mataray na tanong ni Margaux.
"None of your business" sabay sabay na sabi ng tatlo.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Para kasing scripted ang galaw nila.
"Cut it out, Gaux. Masyado kang possesive kay Max. Kaya na tu-turn off siya sa 'yo, eh" tukso ni Aiken kay Margaux.
"Walang gagawin ang mga babae kay Max, Gaux. Huwag kang mag-alala. Buo pa rin at walang pake sa 'yo 'yan kapag balik natin" dagdag ni Theonie.
Agad na namula sa galit si Margaux at nagmamartsa paalis ng condo ko. Tumawa silang mga lalaki saka sumunod kay Margaux paalis.
Sabay-sabay na napabuntong hininga ang tatlo at sabay-sabay rin na humarap sa akin.
"Now tell us!" Tili nila kaya napatalon ako sa gulat.
"What?" Tanong ko.
"How's your SaturDate with Rhed?" Nakangising sabi ni Ivory at umastang kinikilig naman ang dalawa.
Napangisi nalang ako pero nauwi iyon sa mahinang halakhak. Para silang teenager. Ang cute.
Akmang magsasalita na ako nang maunahan ako ni Devon na nakatayo lang sa gilid namin.
"Bakit hindi muna ninyo umpisahan ang pag-aayos para mas marami kayong oras para sa tsismisan niyo?" Sarkastikong tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at handa na sana siyang angilan nang sumang-ayon ang tatlo.
"Tama! Tama! Para hindi naman bitin ang pagku-kwento mo" sabi ni Haisley.
Kinuha nila Serena at Haisley ang mga pinagkainan namin kanina at nagtungo agad sa kusina habang si Ivory naman ay nilagay sa sofa ang mga throw pillow.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...