Kabanata 8Problem
Pagkaring ng bell na senyales na lunch break na namin ay inayos ko na ang gamit ko. Ganoon din ang mga kaibigan ko kaya sabay-sabay kaming lumabas ng classroom para magtungo ng cafeteria.
Nag-prisinta akong kami nalang ni Chester ang bumili ng pagkain at hindi naman sila umangal. Gusto ko ring kausapin si Chester.
"I have a problem," sabi ko nang makalayo na kami sa tatlo.
"Hmm? What is it?" Tanong niya.
"Sumasali pala si Krizia sa mga pageants! At ngayon ay kailangan daw sumali ulit dahil ako ang nakakuha ng major votes sa klase" sabi ko.
Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko at bumuntong hininga ako.
"I don't do pageants. You know that, Chester. What will I do?" Tanong ko.
Huminto kami sa dulo ng pila saka siya bumuntong hininga bago humarap sa akin.
"I know that. Kausapin muna natin si Krizia. O baka makumbinsi natin sila na huwag ka nalang sumali sa pageant" sabi niya at tumango ako.
Umorder kami ng pagkain para sa kanila saka bumalik sa mesa namin.
"I have a question" sabi ko sa kanila.
"What is it?" Tanong ni Haisley.
"Sino si Majorie?" Tanong ko at mapatingin sila sa akin.
"Majorie is our Vice President, Krizia. Habang si Maria naman ay ang President natin" sabi niya.
"Siya ba iyong may brown na buhok na hanggang balikat?" Tanong ko.
"Yes" sabi ni Ivory.
"Why? Sinabi na ba niya sa 'yo na ikaw ang rarampa sa pageant bilang representative namin?" Tanong ni Serena.
"Yes but...ayoko ng sumali ng pageant" sabi ko.
Dahil sa sinabi ko ay kumunot ang noo nila at natigilan sa pagkain.
"Where's the competitive Krizia we knew? Alam kong hindi ka papatalo sa ganito, Krizia. Kaya nga ikaw ang binoto nila, eh" sabi ni Haisley.
"Yes. At sabi mo pa nga sa amin last year ay ipapanalo mo na ito ngayon," Dagdag ni Ivory.
Napapikit ako sa inis. Aish! Pageants is not my thing! Ayos lang sana kung quiz bee 'yan, eh! Iyon kaya ko pa!
"I forgot," Mahinang sabi ko.
"Bawal bang sabihin sa kanila na hindi nalang si Krizia ang maging representative ngayon?" Tanong ni Chester.
"No. Magtataka sila dahil competitive si Krizia" Kunot noong sabi ni Serena bago bumaling sa akin. "Teka, ayaw mo ba?"
Tumingin ako sa kanilang tatlo at nakita ko ang pagkunot noo nila at bakas ang pagtataka sa mukha.
"Oh! No. I like it. Na-pre-pressure lang ako" sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Don't worry. Support ka naman namin, eh" sabi ni Ivory at ngumiti.
Tumango ako sa kanila saka ngumiti. Nagpatuloy kami sa pagkain. Nag-uusap sila habang ako naman ay lutang. Mukhang hindi naman nila iyon napansin dahil hindi naman nila iyon napuna.
Hanggang sa pagbalik namin sa classroom ay tahimik lang ako. Iniisip ko kung paano ko ito matatangihan o masusulusyonan. Dati rin sa school ko ay vinovote nila akong sumali sa ganiyang pageants pero palagi akong tumatangi.
I really hate attention. Well, maliban nalang nung sumikat ang banda namin. Medyo nasanay ako pero hindi talaga ganoon ka-kumportable kapag humaharap sa maraming tao.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...