Kabanata 3

161 3 0
                                    


Kabanata 3

School


Halos dalawang oras lang kami nanatili sa mansyon ni Mommy at umalis na rin kami ni Chester.

May mga bagay na sinabi si Krizia na ibibigay sa akin na hindi gusto ni Mommy pero hindi siya makaalma.

Si Chester na rin ang nagprisinta na turuan ako mag-drive at pumayag naman si Krizia at binigayan ako ng isang black card para daw sa mga gusto kong bilhin.

Nasa van na kami ni Chester habang papunta sa condo ni Krizia dahil dito na daw ako titira mula ngayon.

"Dapat ay hindi ka pumayag, Crisha! Buhay mo 'yon, eh!" Sermon ni Chester habang nasa daan kami.

"Hayaan mo na, Chester. Hindi naman big deal," sabi ko at umismid siya.

"Anong hindi big deal?! Big deal iyon! Buhay mo 'yon, eh!" sabi niya at tumawa lang ako ng peke dahil wala namang nakakatawa sa sinabi niya.

"It's not. Besides, para matuto na rin si Krizia. Alam kong matuturuan siya ng leksyon ng mga kaibigan ko. I know them," kampanteng sabi ko.

Umiling siya at umismid.

"It's so easy for you, huh? Parang ako yata ang nawalan dahil sa desisyon mo," sabi niya at malalim na napabuntong hininga.

Hindi ako sumagot at binaling ang paningin ko sa daan.

Aaminin ko, masakit para sa akin ang gusto ng kapatid ko. Wala namang may gusto na mangyari iyon lalo na kapag napamahal ka na sa ginagawa mo.

Napamahal na ako sa pamumuhay ko nuon kaya nakakalungkot isipin na dumating ang araw na ganito.

Mas gusto kong manirahan sa condo ko kaysa sa condo ni Krizia. Kasi pakiramdam ko ay kapag nanirahan ako duon ay tuluyan ko ng tinalukuran ang sarili ko.

Pero wala nga akong magagawa. Kailangan kong gawin kung anong gusto niya kung ayaw kong mawala ng tuluyan sa akin si Mommy.

Kahit pa paano ay magulang ko pa rin siya at siya ang nag-luwas sa akin. Kailangan ko pa ring magpasalamat kahit pa paano kahit na nagkulang siya sa atensyon at pagmamahal.

Hindi ko kailangan non. Hindi iyon ang una kong kailangan dahil sapat na sa akin na tanggapin niya ako.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa condo ni Krizia. Binigay na niya sa akin ang susi mg condo niya at kung anong unit ito kaya madali na.

Agad akong pumasok sa loob at umalis na sila Chester dahil hinatid niya lang ako dito.

Tahimik lang ako habang naglalakad patungo sa magiging unit ko ngayon. Nasa 12th floor pa iyon kaya medyo matagal.

Nang makarating sa pintuan ng unit ay agad kong binuksan iyon gamit ang susi na binigay sa akin ni Krizia.

Automatic na umilaw ang ilaw sa taas ng pintuan ng pumasok ako. Nilibot ko ang paningin ko. Napabuntong hininga ako ng makita kung gaano kagulo ng condo niya.

Nilagay ko ang bag ko sa sofa at nagtungo sa closet niya para kumuha ng komportableng damit bago maglinis.

Natagalan pa ako dahil malaki nga ang condo niya at hindi ko alam na walk in closet pala ang closet niya.

Kumuha ako ng itim na leggings at isang spaghetti strap na sando saka nagtungo sa banyo para malinis ang sarili.

Matapos ang trenta minutos na nilaan ko sa sarili ko ay nagsimula na akong maglinis. May vacuum si Krizia at iyon ang ginamit ko kahit may robot vacuum siya na nasa tabi lang.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon