Kabanata 52

201 9 0
                                    


Kabanata 52

Fight



"Wala akong inagaw sayo, Krizia. Excuse me, aalis na ako" sabi ko at agad na nilampasan siya.

Sumunod naman agad sa akin sila Chester at Lindzy. Ayokong salubungin ang galit niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon pero hindi magandang kausapin ngayon si Krizia.

Nang makalabas kami ay papunta na sana ako sa van namin nila Manny nang may humatak sa braso ko.

Pagka-lingon ko ay nakita kong si Krizia iyon at napansin ko pang sumunod sa kanya ang buong klase nila.

"Bitawan mo ako, Krizia" sabi ko habang pinipilit na tangalin ang braso ko sa hawak niya pero mahigpit ito.

"Fucking tell me, Crisha! What do you have that I don't have!? Why does they need to leave me!? You're nothing but a fucking useless person and your father is a fucking beggar!" Sigaw niya na alam kong narinig ng lahat.

Hindi malayo sa amin ang kaklase niya kaya alam kong rinig nila iyon at kami lang ang nasa daan ngayon at ang mga sasakyan na dumadaan sa likod ko.

"Krizia, let her arm go. Namumula na" sabi ni Chester.

Nang hindi gumalaw si Krizia ay si Chester na mismo ang nag-tangal nito at hindi umangal si Krizia pero hindi pa rin napuputol ang titigan naming dalawa.

We really resemblance each other but I like the feisty face that Krizia only can do.

"Magsalita ka nang walang sakitan. Be fair, Krizia" sabi ni Lindzy dahilan para mapatingin si Krizia sa kaniya.

"And who the fuck are you to butt in?" Tanong ni Krizia.

"Oh, no other that her cousin. Only her because you're evil" sabi ni Lindzy at umirap pa.

Agad kong nakita ang galit sa mukha ni Krizia at bumaling siya sa akin na puno ng hinanakit sa mata.

"She is the evil one! Ikaw iyon, Crisha! Ikaw na palaging kinukuha ang lahat sa akin! I hate you! Dapat sa iyo ay mamatay na! Hindi ka dapat binuhay pa ni Mommy! Sana ako nalang! Ako nalang! Because you're fucking useless!" Sigaw niya.

Kumirot ang puso ko sa sinabi nya pinakita kong hindi ako naapektuhan.

"Wala syang inagaw--"

"Don't butt in. Let me handle this. I've waited this for so long" agad na putol ko kay Chester ng magsalita siya at natahimik siya.

"Tell me what I stole from you" sabi ko sa isang kalmadong boses.

"Everything! You've got the band that I wanted! You made your friends who are supposed to be mine now hate me! You made Rhed stay away from me! You made Max also leave me! Haisley left because she choses you! And now, Mom! My Mom is now missing!" Sigaw niya.

Sa lahat ng sinabi nya ay ang huli lang ang pumasok sa isip ko.

'Why? Where is Mom?'

"Where is Mom?" Tanong ko sa kanya at sarkastiko siyang tumawa.

"Sinabi sa akin ng nurse na bumisita ka daw kay Mommy at pagpunta ko duon ay wala na siya! Iniwan niya ako at ikaw ang huling nakasama niya kaya kasalanan mo! Kasalanan mo kaya iniwan ako ni Mommy!" Sigaw niya.

"I don't see my fault there" sabi ko.

"It is your fault because you visited her! Kaya siya umalis" sabi niya at mapait akong tumawa.

"Ang babaw mo, Krizia. Hindi ko alam kung bakit umalis si Mommy, wala siyang malay nang bisitahin ko. Ako ngang anak rin ay walang karapatang malaman na may sakit pala ang nanay ko at walang nagsabi sa akin dahil ayaw niyo sa akin. Seriously, anong ayaw niyo sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Breathless | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon