Kabanata 9Rhed
"What nonesense are you blabbering?" Tila namamanghang tanong niya.
Ngumisi ako at tinaas ang isang kilay.
"Playing innocent, Devon? I said stop following me. Bigla ka nalang sumusulpot sa harap ko! Just go home!" sabi ko.
"Okay" sabi niya pero hindi umalis sa kinatatayuan niya kaya tumaas ang isang kilay ko.
"So? Why aren't you leaving yet?" Tanong ko.
Humalakhak siya at mahina akong tinulak dahilan para mapausog ako sa unit na tinatayuan ko.
"I will. Uuwi na sana ako kaso nga lang ay bigla bigla kang huminto at nagsalita ng kung ano-ano sa harap ng unit ko" sabi niya na may malaking ngisi sa labi at umawang ang labi ko.
Biglang nag-init ang pisngi ko dahil duon.
'Unit niya? Iyon? I-ibig sabihin ay dito talaga siya nakatira? H-hindi nya ako sinusundan? Gosh! What a big embarassment, Crisha Seraphina!'
Nabalik ako sa realidad nang marinig ang nakakalokong hakhak niya. Parang gusto kong bumukas ang lupa para kainin ako ng buhay nang magtama ang mata namin.
"I told you, dito ako nakatira. Sa susunod ay mag tanong ka muna, ha? I'm not stalking you," nakangising sabi niya at binuksan ang pinto ng unit niya.
Bago pa siya makapasok ay lumingon ulit siya sa akin na may malaking ngisi sa labi.
"I know you are damn beautiful and some guys stalk you but just to remind you, a Max Devon will never stalk you, Ms. Reagan. Yes, you are beautiful but I've seen better" sabi niya at kumindat pa siya sa akin bago pumasok ng tuluyan ng unit niya.
Tikom ang labi ko na pumasok sa condo ko at halos takbuhin ko ang kama ko para lang maisubsob ko ang mukha ko sa unan ko at sumigaw ng sumigaw dahil sa kahihiyan na natanggap ko.
'Kasi naman, Crisha! Huwag magco-conclude agad! Ayan tuloy! Napapahiya ka!'
Halos isang oras akong nanatili sa ganoong posisyon bago nagpasyang tumayo para mag-ayos ng sarili.
Nagpalit ako ng pajama at nagluto ng pagkain at kumain. Ginawa ko ang mga assignments ko para sa araw na iyon bago ako natulog sa kama.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya inayos ko na ang sarili ko para pumasok.
Nagsuot ako ng isang white demin shorts, isang crema na deep v neck spaghetti strap sando at ipinartner ko ng isang white rubber sneakers.
Hindi na ako nagpalit ng bag para ngayon at tinali ng high pony tail ang buhok saka naglagay ng make-up.
Dahil may oras pa naman ay nagluto na ako ng agahan ko habang nagre-review. Nakasanayan ko na ito. Habang nagluluto ay nagrereview. Just in case kung may pa-suprise quiz ang prof.
Matapos kong kumain ay lumabas na ako ng condo. Medyo uminit pa ang pisngi ko ng madaanan ang unit ni Devon na nasa tabi lang ng akin dahil naalala ko iyong katangahan na ginawa ko kagabi.
Tahimik akong nag-drive papuntang school. Nang matapos kong mag-park ng kotse ay nagsuot ako ng earphone at nakinig ng tugtog.
Tahimik akong naglakad papasok ng classroom namin at pagdating ko ng pintuan ay nagulat ako nang may umakbay sa akin at inagaw ang earphone sa akin.
"Eh? Rock band, Krizia? Nagbago yata ang taste mo sa music" natatawang sabi ng lalaki papasok ng classroom.
Natigilan ako sa paglalakad at ganoon din siya. Nasa harap kami ng buong klase pero wala akong pake.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...