Kabanata 40Out
[Saan ka namin susunduin?] Tanong sa akin ni Abi.
"Siguro alam niyo naman iyong Caue? Iyong malapit sa The Fourth? Duon nalang" sabi ko.
[Great! I'm bringing the gang, by the way. Miss ka na namin] sabi niya at natawa ako.
"Yeah, I miss you too. We have a lot of things to catch up" sabi ko.
[Marami nga! Get ready! Maho-hot seat ka sa amin!] sabi niya at natawa ako.
"Sige na...nag-iimpake na ako" sabi ko.
[Sige. Siguro twelve ay nandyan na kami] usal niya.
"Okay, antayin ko kayo. Text ka nalang, ah?" sabi ko
[Oo. Bye!] Paalam niya.
"Bye!" Paalm ko at binaba na niya ang tawag.
Malalim akong napabuntong hininga saka sumalampak sa sofa. Sinulyapan ko ang mga gamit kong naka-impake na at ready na para umalis.
Nagising nalang ako ay nasa condo na ako kagabi. Inuwi na pala ako nila Chester dito dahil nawalan daw ako ng malay habang umiiyak kasama si Suja.
Sinabi ko sa kanila ang nangyari at umiyak na naman ako. Nang tumahan ako ay sinabi ko sa kanilang aalis na ako dito dahil hindi ko kayang manirahan dito.
Sinabihan ko na rin si Daddy na sa mansion nalang niya ako tutuloy at hindi naman siya umangal at nagtanong pa.
Nakatulugan ko na iyon at pagkagising ko ng umaga ay tinawagan ako ni Chester na sinabihan ako na kinontak daw siya nila Abi.
Iyong mga dati kong kabanda. Sabi niya ay sila na ang nagprisinta na sunduin ako dahil mukhang nabalitaan na nila ang nangyari.
I don't even know how they knew Chester and that's the least thing I could think about right now.
Hindi mapigilan na kumirot ang puso ko habang tinitignan ang bawat sulok ng condo ni Krizia. Pumikit ako dahil naalala ko lang si Devon na mukhang pursigidong kalimutan na ako.
Sabi ni Chester ay siya na daw bahala kay Krizia magsabi lahat at si Lindzy na daw bahala sa article na kumalat.
Wala na akong proproblemahin pa sa Olivine Univeristy pero mabigat pa rin ang pakiramdam ko.
Nagsabay-sabay, eh. Iyong nalaman kong may sakit si Mommy, ang pag-aaway namin nila Serena ay ang buong classroom, at ang pagtataboy sa akin ni Devon.
Pero hindi ko hinayaang kainin ako ng lungkot. I need to be strong. What's the use of acting if I won't use it? Anong silbi ng ilang taon kong pagpapanggap kung hindi ko ito gagamitin ngayon?
Nabalik ako sa realidad nang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at tinignan.
From Abi:
Hey! We're here! Ang gara dito! Nakakahiya sila Manny!Hindi ko mapigilang hindi mapangiti at pinilig ang ulo ng mapansin ang oras
'Ang sabi nya twelve. Pero eleven palang ay nandito na sila'
Inayos ko ang upo ko at nireplyan siya.
To Abi:
I need a hand. Ang dami nito hindi ko kayang buhatin. Punta kayong elevator at pintudin niyo ang 12th floor tapos diretso na kayo. Sasalubungin ko nalang kayo sa labas.
From Abi:
Okay. Can't wait to see you! ;)
Napangiti ako at tumayo mula sa sofa. Nasa dalawang box lang naman at dalawang maleta at isang back pack ang dala ko. Iniwan ko ang mga gamit ni Krizia at kinuha ko lang 'yong mga gamit kong binili bago ako lumipat dito.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...