WARNING: SOME OF THE SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK
Kabanata 1
Bandmates
"Good afternoon, guys! Sorry kung gusto kong makipagkita ngayong araw" nakangiting sabi ni Krizia sa kaibigan ko.
Bahagyang kumunot ang noo nila pero ngumiti rin naman at napabaling sa akin ang tingin.
"Oh? May kasama ka...na kamukhang-kamukha mo," sabi ni Maricare na parang ito na ang pinaka-kakatawa sa buong mundo.
Ngayon ay naka-ayos si Krizia ng ayos ko habang ako naman ay naka-ayos ng ayos niya araw-araw. Bilin ito ni Mommy para daw mas lalong kapani-paniwala.
"Let's sit first, shall we?" Tanong ni Krizia at tumango sila.
Umupo ang mga kaibigan ko at umupo naman ako sa tabi ni Krizia.
"Guys, this is my twin sister, Krizia Maude Reagan," pakilala sa akin ni Krizia.
Pinilit kong ngumiti nang sa akin nabaling ang atensyon nila.
"Nice to meet you! I heard a lot from you. My sister always talk about your gigs with me," nakangiting sabi ko.
Napangiti si Manny at mukhang napukaw ko ang atensyon niya.
"Really? I'm glad! Mahilig ka ba kumanta or sa music?" Tanong niya at napasulyap ako kay Krizia.
Nakita ko ang babala sa mata niya kaya ngumiti ako at bumaling kay Manny.
"Unfortunately, no. I prefer arts," sabi ko at napasimangot siya.
"Sayang. Pwede sana kayong dalawa sa banda namin kung mahilig ka," sabi niya.
Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil sa sinabi niya.
'Yes. Sana kasama nyo ako. Sana ako na lang ang nagpapakilala kay Krizia ngayon."
"By the way, anong pinagkaiba ng pangalan niyo, Crisha? Pareho lang naman ng tunog," sabi ni Ana.
"Oh! No! Hindi magkapareho. My name pronounced as 'Krish-a', and her is 'Kri-zi-ya'" sabi ni Krizia.
"Hmm...may kaonting arte," natatawang sabi ni Manny.
Ngumiti lang ako sa kanila at nagpatuloy sila sa pag-uusap. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pait. Ang bilis na mapaniwala nila na ako ang kapatid ko.
Ang bilis nilang maniwala na ang kapatid ko ang kaibigan nila ng apat na taon. Ang sakit isipin na pati pagkatao ko ay kailangan kong isakripisyo para lang sa kapatid ko.
Mahina akong bumuntong hininga at ginalaw ang straw ng softdrinks ko.
"Yeah! I was so greatful by their gifts! It's so touching!" Nakangiting sabi ni Krizia.
Hindi ko maiwasan na isipin na sobrang plastik niya. Alam kong ayaw niya sa mga taong katulad nila Manny.
Sa public ako nag-aaral samantalang siya ay sa private. Ayon sa kanya, ayaw niya daw ng mga 'trash' at 'dirty peoples' kaya hindi siya nag-public.
Buong buhay niya ay para siyang literal na prinsesa at nabibigay ang lahat ng gusto niya. Kahit na pati sarili ko ay kailangang ibigay sa kanya.
Kung hindi mo kami kilala ng lubusan ay baka hindi masasagi sa isip mo na magkapatid kami.
Dahil malayong-malayo ako sa kanya. Gusto ko ng simpleng buhay habang siya ay gusto niyang tinatamasa ang kayamanan nila.
May lapi-lapi siyang pera sa kanyang designer purse habang ako ay sakto lang ang pera na hinihingi ko kay Daddy. Malaki at maganda ang condo niya at may kotse pa hindi tulad ng akin.
BINABASA MO ANG
Breathless | ✓
RomanceShe's bossy, fiesty, and spoiled. She gets what she wants. In one snap, her wish is already granted. Beautiful, rich, famous, have loyal friends and all! Name it but there is something she do not possess. Manners, kindness, generosity and all of th...